Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, halos 390,000 na

Mahigit 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Huwebes (November 5), umabot na sa 389,725 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 32,773 o 8.4 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,594 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.0 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.1 porsyento ang asymptomatic; 2.5 porsyento ang severe habang 4.4 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 42 muli ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 7,409 o 1.90 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 468 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 349,543 o 89.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...