Piolo nangako kay Charo: ‘Kapamilya forever’ kahit lumipat sa TV5

KAHIT lumipat na siya sa TV5, nag-promise si Piolo Pascual na mananatili siyang Kapamilya kahit ano pa ang mangyari.

“Kapamilya forever,” yan ang binitiwang salita ng singer-actor sa harap ni Charo Santos sa kabila nga ng pagtanggap ng show sa Kapatid Network na katapat pa ng dati niyang programa sa ABS-CBN,  ang “ASAP Natin ‘To.”

Nag-guest kasi si Piolo sa online talk show na “Dear Charo” kasama ang head  ng ABS-CBN’s creative communication management na si  Robert Labayen bilang co-host at dito nga nila napag-usapan ang tungkol sa bagong Station ID ng Kapamilya station.

Si Robert ang isa sa mga nasa likod ng mga patok na Station ID ng network kabilang na ang “Bro, Ikaw ang Star ng Pasko” at “Family is Love.”

Natanong ni PJ kung kumusta na ang 2020 Christmas Station ID, “So kailan tayo mag-i-SID ulit?”

“Inuumpisahan na!” sagot naman ni Robert.

Hirit naman ni Charo, “‘Yan ha, sabi ni PJ, kailan daw tayo mag-i-SID. Why not? Kapamilya forever.” Na sinagot din ni Piolo ng, “Kapamilya forever.”

Nabanggit din ng aktor sa nasabing panayam na nasa 2011 “Lupang Hinirang” video rin siya ng ABS-CBN na napapanood sa mga sinehan bago magsimula ang mga pelikula ng Star Cinema.

Dito, nasabi ng host ng “Maalaala Mo Kaya” na baka anytime soon ay gagawa na ng updated version nito kaya ang natatawang pakiusap ni Papa P, “Huwag, Tita, kapag pinalitan ‘yon, baka mawala ako!”

“Oo, huwag na. Baka, nangangapit-bahay ka lang,” natawa ring chika ng award-winning actress. Hirit naman ni PJ, “Nagtatrabaho lang po.”

“But, Tita, come on, that’s not something we talk about, but napakaliit ng industriya.

“Nakapaliit ng mundo natin. I guess, tatanda po tayong magkakasama. And I’ll always be grateful for the chance to know people like you, especially you, Tita.

“If not for your sound advice, siguro I would have made some choices that I would regret. But you were there, you were always around, you always made yourself available for me whenever I needed it.

“It relaxed me, made me feel secure, knowing that I had a home, I had a place wherein I can grow and where I can be myself. So thanks for that,” tuluy-tuloy na pasasalamat ni Piolo kay Charo Santos.

Nauna nang naibalita na isang taon lang daw si Piolo sa TV5 at babalik din sa ABS-CBN dahil may mga nakatakda pa siyang project sa network.

Read more...