Inah de Belen nag-explain tungkol sa ‘Tiyanak’…ang anak ni Janice!

ALIW na aliw kami habang nagkukuwento at binabalikan ni Inah de Belen ang panunukso sa kanya noon bilang “anak ni Janice.”

Sikat na sikat noon ang horror movie na “Tiyanak” na ipinalabas noong 1988 at pinagbidahan ng nanay ni Inah na si Janice de Belen.

Napanood namin ito sa sinehan at talagang nagmarka sa amin ang baby na ginamit sa movie at ang creature na ginawa para gumanap ngang na tiyanak.

Sa kuwento, ginampanan ni Janice ang babaeng kumalinga sa isang inabandonang bata na nagiging isang tiyanak kapag gusto na nitong mambiktima at pumatay ng tao.

At dahil nga sa kasikatan ng pelikula, naging bukambibig ng mga nakapanood nito ang dialogue na, “Ayan na ang anak ni Janice.”

At makalipas ang ilang taon, may mga nag-assume na ang sanggol na ginamit sa pelikula ay ang tunay na anak daw ni Janice na si Inah.

Kuwento ng Kapuso star, nu’ng ay hindi pa niya maintindihan at ma-gets kung bakit ang tawag sa kanya ng ilang taong nakakakilala sa kanya noon ay “anak ni Janice” o tiyanak na may halong panunukso.

“Kasi balbon ako, so kapag inaasar nila ako, lagi nilang sinasabing, ‘Tiyanak!’ ganyan.

“So, nag-search ako and I also asked my mom. Tapos, yun pala, may movie nga siya na ‘Tiyanak,’ and yun nga yung laging sinasabi na ‘anak ni Janice.’

So, doon ko lang na-gets kung saan talaga galing ’yun,” paliwanag ng dalaga.

Nilinaw din ni Inah ang paniniwala ng iba na siya ang gumanap na Baby Tiyanak sa pelikula. Aniya, imposibleng mangyari ito.

“There are people who say or they ask, ‘Ikaw ba ’yung gumanap na tiyanak don sa movie? Parang, ako, ‘No, I wasn’t born yet.’

“1992 ako, guys! And 1988 ’yung Tiyanak and tignan niyo naman ano manika talaga siya, manika lang siya so it’s definitely not me,” chika pa ni Inah sa panayam ng GMA.

Bahagi na ng kultura ng Pinoy ang mga kuwento tungkol sa mga tiyanak at iba pang nakakatakot na mga nilalang tulad ng aswang, kapre, tikbalang at manananggal na naisapelikula na rin nang makailang beses.

Read more...