Nakulong na nanay ng 'Tutok To Win' winner nakalaya dahil sa tulong ni Willie | Bandera

Nakulong na nanay ng ‘Tutok To Win’ winner nakalaya dahil sa tulong ni Willie

Ervin Santiago - November 05, 2020 - 09:24 AM

ABOT-LANGIT ang pasasalamat ng ina ng “Tutok to Win” winner sa “Wowowin” matapos itong makalaya mula sa kulungan.

Dahil sa ibinigay na tulong ni Willie Revillame kay Zilha Grace Manalo nakalabas na nga sa kulungan ang kanyang inang si Ma. Lea Manalo.

Kung matatandaan, sa Oct.15 episode ng “Wowowin” natawagan ni Willie si Zilha para mabigyan ng cash prize. At habang kinakausap ng TV host ang viewer, nailahad nito kung bakit ikinulong ang nanay niya.

Ang payo ng “Wowowin” host sa nanay ni Zilha, sana’y tumigil na ito sa kanyang ilegal na gawain (sugal) at ayusin na ang buhay ng kanyang pamilya.

Dito na in-announce ng TV host-comedian na bibigyan niya si Zilha ng P30,000 bilang puhunan sa pagnenegosyo. Bukod pa riyan ang “Wowowin” jackets, face masks at android tablet para magamit nila sa pag-aaral.

At sa nakaraang episode nga ng programa, ipinaalam kay Willie na nakalaya na si Ma. Lea. Kuwento ni Zilha ,“Kuya Wil, maraming salamat po sa ibinigay na tulong n’yo.”

Pahayag naman ng nakalayang nanay, “Kuya Willie, magandang hapon po sa ‘yo. Nandito na po ako, nakalabas na ako. Maraming salamat sa itinulong mo po sa aming pamilya.

“Pasensya na po naiiyak ako. ‘Yung pinagdaanan ko po, mahirap. Mabuti po napili n’yo po ‘yung anak ko na tawagan niyo. Maraming, maraming salamat po.

“Hinding hindi ko po kayo makakalimutan. Idol na idol po kita. Lagi-lagi kitang napanood, araw-araw. Ito na po kami. Maraming maraming salamat po sa iyong programang ‘Tutok to Win,’” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending