Payo ni Tekla sa mga KapuTek: Iwasan na nating mag-judge, humusga, manlait

DAHIL sa dami ng mga natatanggap niyang inspiring message mula sa mga taong hindi niya kilala, naisipan ni Super Tekla na muling mag-vlog.

Gusto kasi niyang magpasalamat sa lahat ng mga taong patuloy na nagmamahal at sumusuporta sa kanya sa kabila ng mga pinagdaanang kontrobersya.

Ilang beses nang sinabi ng Kapuso host-comedian na talagang naapektuhan siya nang bonggang-bongga nang akusahan siya ng kung anu-ano ng dating live-in partner na si Michelle Bana-ag.

Nauna nang nag-thank you si Tekla sa GMA 7 at sa mga kaibigang hindi siya iniwan sa gitna ng laban tulad nina Donita Nose at Boobay. At ngayon, nais naman niyang ipahatid sa mga netizens ang taos-puso niyang pasasalamat.

“Ito po ‘yung dahilan kung bakit ginawa ko ‘to, dahil naramdaman ko na nandiyan kayo na kayang suportahan at alalayan ako sa pagsisimula. Moving on.

“Kalimutan na natin ang nangyari. May mas magandang gagawin at mga makabuluhang bagay na pwede nating, pwede kong gawin; makapaghatid ulit ng kasiyahan kasi ayaw kong mawala si Tekla eh sa mga nangyari.

“Gusto kong bumalik si Tekla, ‘yung sigla ni Tekla, ‘yung kulit ni Tekla, ‘yung pagiging ako,” simulang pahayag ng Kapuso comedian.

Narito ang ilang message ng mga netizen kay Tekla na mas lalo pa raw nagpalakas ng loob niya.

“Create ka ng content. We are here to support you. It will help you to move on and to start [a] new life. Fight lang sa buhay. God bless Tekla,” sabi ni Matet Magadia.

Ayon naman kay Josanna Hanawa, “Watching you, praying for you, your babies and loved ones. Please Tekla, hope makita mo ang ipinaghihiwatig sa iyo n gating mahal na Poon. Hindi ka niya ilalagay sa alam niya na ipahahamak mo… malinawan ka sana at magpatuloy sa maganda ninyong sine-share ni Donita.

Move on, be with people who really care for you. God bless you.”

Reaksyon naman ni Tekla, “Kaya po ako nagkalakas ng loob na ipagpatuloy itong aking YouTube channel, ang pagba-vlog dahil nakakatayo na ako.

“I’m able dahil sa lahat ng suporta at alam kong madaming naniniwala pa na makakapag-spread ako ng more, more, more good vibes at pagpapasaya sa bawat isa.

“So moving forward na tayo. ‘Yung pain andito pa rin pero mawawala ‘yan. Mawawala ‘yan ng prayers, pagdarasal, pagpapatawad at pagmamahal.

“‘Yan lang ang tanging hihilom sa bawat sitwasyon. Kung sinuman, hindi lang ako, hindi porke’t kilala ako, artista ako. Sa lahat ng mga taong nakakaranas ng ganu’n.”

Patuloy pa niya, “Iwasan na po nating mag-judge, humusga, manlait so let’s move on.

“Mas maganda po, mga KapuTek (tawag niya sa kanyang mga supporters), na i-offer natin ‘yung prayers, love, para doon sa mga taong nakakaranas ng ganito, hindi lang ako.

“Para maganda ‘yung impact, imbis na…hindi tayo maka-hurt ng damdamin ng isang tao, mas maigi po na ipanalangin nalang natin at prayers. ‘Yun lang po ang importante.

“So, as of now, nag-uumpisa ako magsimula muli, babangon muli, at ibabalik muli ang dati kong sigla sa pagpapatawa. Moving forward, forget and forgive.

“Spread the love, ‘yun lang, mga KapuTek. Salamat at nandyan kayo. Salamat sa mga taong naniniwala, sa mga kaibigan, sa mga supporter.

“Kayo po ang rason kung bakit magpapatuloy ako sa pagpapatawa at hindi ako mawawalan ng pag-asa dahil may magandang maidudulot ang good vibes at happiness sa aking vlog,” tuluy-tuloy pa niyang pahayag.

Read more...