LOOK: Harry Styles, trending ang bagong hair style

Trending ngayon sa Twitter si Harry Styles. At ang dahilan: ang bago niyang hair style.

Mula sa dating messy hair look, nakunan ng litrato ng mga paparazzi si Harry na gwapong-gwapo sa kanyang maiksi at slicked back hair.

Wika ng isang fan, si Relani (@frienhds), sa kanyang tweet: “His hair looks so Pretty!!!!! Why are you doing this to me Harry Edward Styles?”

“Harry Styles ou Leo dicaprio??” ani Anny Bunny (@xsugarcherry)

At hindi lang buhok ng 26-taong gulang na singer-actor ang kanilang napansin kundi pati na rin ang kanyang comfy na suot. Sa tweet ni @BenzFiore, sinabi niya na, “he is so pretty. his hair. his outfit. has the kindest heart. yes, im talking abt harry styles.”

Nakatatak sa kanyang t-shirt ang mga salitang, “Don’t Trip… Vote!” Nagdadaos ng pampanguluhang halalan ang US ngayon.

Nakunan ang dating miyembro ng One Direction ng litrato habang nasa set ng “Don’t Worry, Darling”, isang American psychological horror thriller film na idinerek ni Olivia Wilde.

 

Read more...