Aiko pinaiyak ni VG Jay Khonghun: Nakakaloka ang jowa ko!

SUPER crayola (read: cry) ang Kapuso actress na si Aiko Melendez sa pa-anniversary suprise ng boyfriend niyang si Zambales Vice Governor Jay Khonghun.

Talagang nagulat at na-touch si Aiko nang makita ang pinagpaguran ni VG Jay para sa kanilang ikatlong anibersaryo bilang magkarelasyon.

Sa kanyang bagong vlog, ipinakita ng aktres ang ilang naging kaganapan sa kanilang selebrasyon, kabilang na nga riyan ang pag-iyak niya sa harap ni Jay at ng pamilya.

“I thought it was just a simple dinner. Little did I know, VG planned a surprise dinner with our families and friends,” pahayag ni Aiko.

Sabi pa ng award-winning actress, “Nakakaloka ang jowa ko,” na hindi pa rin makapaniwala sa bonggang paadar ng vice governor.

Sa nasabing vlog, makikita rin ang pagiging close ng dyowa ni Aiko sa anak niyang si Marthena na nag-duet pa ng kantang “Kahit Ayaw Mo Na.”

Samantala, nagpasalamat uli si Aiko kay Jay sa pamamagitan ng kanyang Instagram page kung saan sinabi nitong isa ang vice governor sa mga taong nagpapatatag sa kanya kapag nagdududa siya sa kanyang kakayahan.

“I want to thank you for encouraging me to do my best, [I] want to thank you for believing in me when I can’t even believe in myself.

“We have our ups and downs, We get annoyed with each other, One thing [I’m] certain about is [I wouldn’t] want this with another,” mensahe pa ni Aiko.

Read more...