Ryza Cenon nanganak na: Napakahirap pero lahat worth it!

NANGANAK na ang Kapamilya actress na si Ryza Cenon matapos mag-labor ng 13 oras.

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Ryza ang litrato ng kamay ng kanyang panganay na anak sa partner niyang si Miguel Cruz.

Pinangalanan nila ang sanggol na Baby Night. Ang caption ng aktres sa kanyang IG post, “Napakahirap pero lahat worth it! Welcome Baby Night.”

Isinilang ni Ryza si Baby Night sa pamamagitan ng normal delivery sa St. Luke’s Medical Center at umabot ng halos dalawang oras bago tuluyang lumabas ang sanggol.

Kung matatandaan, ibinandera ni Ryza na buntis siya nitong nagdaang July at nu’ng sumunod na buwan, nagpasalamat siya sa dyowang cinematographer dahil sa pagmamahal at pag-aalaga sa kanya.

“Dada thank you for everything. Sa mahabang pasensya sa mood ko. At sa support mo sakin and lalo na sa love na binibigay mo samin ni baby boy.

“We’re lucky to have you. Super responsible mo sa lahat, kahit napaka-busy mo sa work lagi kang andyan para samin. Thank you so much. We love you dada,” pahayag ni Ryza para kay Miguel.

Sa isang panayam, idinetalye ni Ryza kung paano sila nagkakilala ng kanyang partner, “Si Miguel, nakilala ko po siya last year ng end of June. After po naming mag-Belgium sa General’s Daughter.

“Ipinakilala po siya sa akin ng friend ko, manager ng bank na si Ms. Maricar. Tapos, ‘yun na po. Halos seven months din po siyang nanligaw sa akin,” aniya pa.

Bumuhos naman ng pagbati sa IG account ni Ryza kabilang na ang mula sa mga kaibigan niya sa showbiz tulad nina Ara Mina, LJ Reyes, Dawn Zulueta, Eula Valdes, Hero Angeles, Isabel Oli, Gina Alajar at marami pang iba.

Read more...