SB19 ibinandera ang kulturang Pinoy sa kanilang #PhilKorFest2020 OOTD

IBINANDERA ng P-Pop group na SB19 ang mayabong at makulay na kulturang Filipino sa ginanap 2020 Philippines-Korea Cultural Exchange Festival kahapon.

Nag-perform ang award-winning all-male group sa nasabing event suot ang kanilang mga OOTD na gawa sa handwoven fabrics mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Suot nina Sejun, Josh at Stell ang mga damit na hinabi mula sa Inaul na isang traditional handwoven fabric na matatagpuan sa Maguindanao.

Ang ginamit namang outfit ni Ken ay mula sa pisyabit — “a handwoven fabric of the Tausug ethnic group of Sulu, characterized by intricate geometric patterns, and a whole tapestry can feature different designs.”

Yakan handwoven fabric naman ang isinuot ni Justin mula sa isang Basilan ethnic group, ang Yakan.

Kinanta ng SB19 ang kanilang mga hit song na “Alab” at “Go Up”. Base sa video ng grupo, makikita silang nagpe-perform sa labas ng National Museum ng Natural History at sa harap ng monumento ng ating National Hero na si Dr. Jose Rizal sa Rizal Park.

Tuwang-tuwa naman siyempre ang mga fans ng grupo all over the universe at very proud sila sa kanilang mga idol dahil talagang bitbit nila ang Filipino heritage sa kanilang latest performance.

Bukod sa SB19, nag-perform din sa #PhilKorFest2020 sina KZ Tandingan, Dasuri Choi, ang World Music Band ID mula sa Korea at ang Celso Espejo Rondalla ftom the Philippines.

Ang theme ng nasabing event ay “We Rise Together” na bahagi nga ng month-long celebration “aimed to highlight the unparalleled friendship and the rich culture of both the Philippines and Korea through an online concert.”

Ang #PhilKorFest2020 ay nasa ika-29 taon na at suportado pa rin ng Embassy of the Republic of Korea at ng Korean Cultural Center in the Philippines, United Korean Community Association in the Philippines at ng National Commission for Culture and the Arts.

Read more...