Piolo babalik din sa ABS-CBN, 1 year lang sa TV5?


MAY nagtanong sa amin kung balik-ABS-CBN na si Piolo Pascual dahil nagpo-promote siya ng latest song niyang “Iiyak sa Ulan” under Star Music.

Paano at saan daw ito ipo-promote ni Piolo? Sa TV5 daw ba, sa programa niyang “Sunday Noontime Live?”

“Hindi pa ganu’n karami ang nanonood sa TV5, kahit na sa online shows napapanood ang Kapamilya shows malakas pa rin ang hatak at nakasubaybay lalo na ngayong may free TV sila through A2Z Channel 11,” katwiran ng aming source.

Marami namang programa ang TV5 na produced ng Brightlight Productions at puwedeng-puwede ditong mag-promote si Piolo.

Hindi rin naman siya pababayaan ng Star Music na i-promote ang single niya sa lahat ng platforms nila.

Anyway, trulili kaya ang narinig namin na babalik ulit si Papa P sa Kapamilya network pagkalipas ng isang taon?
Ito raw ang napagkasunduan ng aktor at ng Star Magic na siya pa ring namamahala ng career niya at ng Brightlight producer na si ex-congressman Albee Benitez.

Kung totoo man ang agreement na ito, ibig sabihin isang taon lang ang kontrata nina Piolo, Maja Salvador, Donnie Pangilinan, Jake Ejercito at 2018 Miss Universe Catriona Gray sa SLN.

Pero baka depende pa rin yan sa magiging performance ng programa nila sa TV5. Kung maganda ang ratings nito sa loob ng isang taon, baka naman posible pa itong ma-extend.

 

 

Read more...