Chynna mas tumindi pa ang love kay Kean: Saludo ako sa mga daddy na nakanganga…


BINIGYAN ng tribute ng Kapuso actress-TV host si Kean Cipriano dahil sa pagiging mabuti at responsableng asawa at ama nito.

Nagpapasalamat si Chynna sa kanyang hubby sa lahat ng hirap at sakripisyo nito sa kanilang pamilya, lalo na sa mga ginagawa ng singer-actor para sa dalawa nilang anak.

“Saludo sa mga Daddy na naka nganga,” simulang sabi ni Chynna sa caption ng ipinost niyang litrato ng kanyang mag-ama habang nasa ospital.
Pagpapatuloy pa niya, “Akala ng marami mga Mommy lang ang laylay petals or pagoda tragedy. Pero sa aming partnership, si @kean dinadamayan ako. Solid!”

“First-day namin maging parents nito… malapit na maging zombie!” dagdag pa ng TV host.

At mas lalo pa raw niyang minahal si Kean nang ipinanganak niya ang kanilang bunsong anak na si Salem.

“Akala namin pagod na kami niyan. Ngayon na may Salem na kami, bukod sa kani-kaniyang career, e, may OC Records.

“Madalas mong makikita si Kean na naglalakad pero not sure ako kung gising ba siya o tulog, at naghahanap ng brains. Zombies forever na talaga.

“I swear to God! I have the best partner. Kaya niya akong patawanin pa rin kahit na pung pundi po siya sa asawa niya na sumalo ng kasungitan sa mundo.

“Mahal kita!!! @kean lapit na tayo mag-anniversary!” mensahe pa ng pasasalamat ng aktres sa kanyang hubby.

Kung matatandaan, nagpakasal sina Chynna at Kean noong November, 2015 at biniyayaan nga ng dalawang anak — sina Stellar at Salem.

Read more...