Heart may nakabanggang celebrity: Ayoko talaga ng kaaway, hindi ako makatulog sa gabi


HANGGA’T maaari ay ayaw ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang magkaroon ng kaaway o kagalit lalo na sa mundo ng showbiz.

Hindi raw kasi kaya ng dibdib niya kapag may kagalit o nagagalit sa kanya na kapwa celebrity o kahit sino from the entertainment business.

Inamin ng asawa ni Chiz Escudero na may isang celebrity na nakabanggaan niya noon ang hinding-hindi niya malilimutan ngunit tumanggi siyang banggitin ang identity nito.

Kuwento ng Kapuso fashion icon sa Facebook Live interview sa kanya ng celebrity photographer na si Raymund Isaac, matagal na itong nangyari at nagkaayos na naman sila ng nasabing celebrity.

Sa chikahan ng dalawa, natanong ng isang netizen kung may nakaaway na ba si Heart sa showbiz at diretso naman siyang umamin na meron nga.

Pero sey ng Kapuso actress, hindi na niya idedetalye ang nangyari para makaiwas sa intriga dahil baka putaktihin na naman siya ng mga hate comments.

Pahayag ng aktres, “Yes, I’ve had. Yeah! But I’m not gonna make buhos because they’re gonna attack me once again.

“But you know, honestly, like, with whoever I had a misunderstanding, miscommunication with, I’d rather not say anything.

“But I’m happy that it’s done. I really feel that there’s good air around whatever is around me.

“And because I want everyone to be happy,” lahad pa niya.

Pagpapatuloy pa ni Heart, “And I’m really grateful that it’s settled. Because it’s sad to be always in the defense mode.

“Like, you’re in fight mode, you gotta defend yourself. I hate that.

“That’s why parang ayoko talaga ng may kaaway. Hindi ako makatulog sa gabi nang may kaaway o may misunderstanding. Hindi ko kaya,” dagdag pa ni Heart.

Sa mga hindi pa aware, nagka-issue noon sina Heart at Marian Rivera habang sinu-shoot nia ang pelikulang “Temptation Island” sa Ilocos Norte noong 2011.

Balitang nagkabati naman ang dalawang Kapuso stars nang maganap ang “Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute to the King of Philippine Comedy” kung saan mismong si Heart daw ang lumapit kay Marian para magkausap sila.

Samantala, sinagot din niya ang mga nam-bash sa ginagawa niyang pagpo-post ng mga nangyayari sa kanyang buhay na ayon sa ilang haters ay pagyayabang na at pagiging insensitive.

“If there is something that I wanna say, it would be, you only know my life through pictures, through YouTube.

“Of course, I am 100 percent myself. And I’m not gonna deny that I’m not perfect, but my life isn’t perfect.

“I mean, I have my own set of problems. Everybody has their cross to carry.

“It’s just a different story for everyone, or it’s a different scenario, or a different country, a different place, a different backdrop.

“But we all have our problems that cripple us at night at times. So, it’s fair, it’s a fair life for everyone. No one’s life is perfect,” ang depensa ni Heart sa sarili.

Read more...