Willie napaiyak nang silipin ang studio ng Wowowin; Zoren mami-miss ang anak na kambal, kaya…


HINDI napigilan ng “Wowowin” host na si Willie Revillame ang mapaluha at maging emosyonal nang bisitahin kamakailan ang dati nilang studio sa GMA Network compound.

Kuwento ng TV host-comedian sa nakaraang episode ng kanyang game show, nakaka-miss daw ang saya at inspirasyon na naibibigay ng live audience.

“Pagpasok ko doon medyo maluha-luha ako. Alam niyo kung bakit? Kasi pagpasok ko, bakante, bakante ‘yung studio. Tahimik.

“‘Yung mga ilaw walang kinang, ‘yung LED walang ilaw. ‘Yung mga speaker, walang tunog. ‘Yung mikropono ko, wala doon, lahat. Nami-miss ko na kayong lahat.

“Nami-miss na namin ‘yung sumisigaw kapag naka-‘handa na ba kayo?’ Nami-miss naming lahat ‘yan. Pero ganu’n pa man ho, kahit na wala kaming kasama sa studio, tuluy-tuloy pa rin po ang programang Wowowin para sa inyong lahat,” mensahe ni Willie sa mga manonood.

Samantala, isang magandang sorpresa naman ang nag-aabang sa loyal viewers ng “Wowowin” dahil inanunsyo na nga ni Willie na babalik na sila sa original studio simula Nobyembre.
Tuwing Biyernes ay magkakaroon na sila ng live show at ibabalik na rin ni Willie ang segment na “Insta Jam.”

Mapapanood ang “Wowowin” mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA t at sa official verified social media accounts ng programa.

* * *

Nagsimula na ang 23 days lock-in taping ng GMA Afternoon Prime series na “Bilangin ang Bituin sa Langit” kung saan parte ng cast ang Kapuso actor na si Zoren Legaspi.

At dahil matagal-tagal na hindi makakauwi sa bahay, inihatid siya ng mga anak na sina Mavy at Cassy sa San Mateo, Rizal kung saan siya pansamantalang nananatili.

Sa isang Instagram post, pinasalamatan niya ang anak na kambal, “Thank you @cassy and @mavylegaspi for bringing me here in my bubble.”

Sa hiwalay na post, ibinahagi rin ni Zoren na kahit “rest day” ay naghahanda pa rin siya para sa mga eksena niya, “It’s our rest day today…but not completely, ‘cause an actor prepares.”

Kasalukuyang napapanood sa timeslot ng “Bilangin ang Bituin sa Langit” ang replay ng “One True Love” sa GMA Afternoon Prime.

Read more...