Hyun Bin, 28 iba pa pinarangalan sa South Korea

 

Pinarangalan si “Crash Landing on You” star Hyun Bin sa prestihiyosong 2020 Korean Popular Culture and Arts Awards.

Kabilang din sa 29 na ginawaran ng award ang actress ng “My Husband’s Woman” na si Kim Hee Ae  at ang K-Pop group na SEVENTEEN.

Kapwa nakatanggap ng Presidential Citation sina Hyun  at Kim habang Prime Minister Citation naman ang nasungkit ng SEVENTEEN.

Ang Order of Cultural Merit, na siyang grand award, ay ipinagkaloob sa actress na si  Ko Doo Sim, actor na si Byun Hee Bong, singer na si Yoon Hang Gi, voice actress na si Song Do Soon, actor-comedian na si Im Ha Ryong at sa writer na si Song Ji Na.

Taunang isinasagawa ang Korean Popular Culture and Arts Awards kung saan pinaparangalan ng pamahalaan ng South Korea ang mga mamamayan nitong may malaking kontribusyon sa kontemporaryong sining at pop culture, kabilang na ang mga actor at actress, singer, comedian at model.

 

Read more...