Liza Diño at MMDA chief Danilo Lim, bati na nga ba?

 

FDCP Chair Liza Diño (kaliwa), at MMDA chief Danilo Lim

Hindi nakaligtas tanungin si Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño sa nakaraang virtual mediacon ng Pista ng Pelikulang Pilipino 4 nitong Miyerkoles kung okay na ba sila ni MMDA Chairman Danilo Lim.

Ito ay makaraang mabanggit ni Liza na nag-sponsor ang Metropolitan Manila Development Authority ng 250 tickets para sa PPP4.

Napangiti si Ms Liza, “We always see everybody as partners, no matter what. So naniniwala kami na dapat hindi tumitigil ‘yung bawa’t communication ng bawa’t ahensya because we have commitment sa industriya.”

Inamin din ng hepe ng FDCP na humingi sila ng tulong sa MMDA.

“Nag-reach out kami sa MMDA to ask for their support sa PPP and we’re so happy kasi napaka-positive naman ng kanilang response sa amin and sila ‘yung mga unang nag-pledge ng support sa PPP this year so, we’re very grateful.

Biniro si Ms Liza kung may humarang sa pabor na hiningi niya. “Wala, na-receive na namin yung letter, eh, ha, haha,” wika pa niya.

Nitong Hulyo, tinanggal ni Lim si Liza bilang kasapi ng executive committee ng Metro Manila Film Festival (MMFF) dahil sa umano’y mga pagtatangka ng kabiyak ni Ice Seguerra na mailipat ang pamamahala ng MMFF sa sa FDCP mula pa noong 2016.

Kaya ngayong okay na nga ang FDCP Chairperson at ang MMDA Chairman, ibig sabihin ba nito ay magiging parte na muli ang FDCP sa mga proyekto ng MMFF?

“Right now, whenever they need us at kailangan nila ang suporta ng PPP, we’re just here. They’re part of our council, kasama po sila sa FDCP council. They’re one of our members. So no matter what, magkarugtong po ang bituka namin ng MMDA. Sana sa future, we can work together”

Samantala, aminado si Ms Liza na hirap sila ngayon sa promo ng mga pelikulang kasama sa PPP4 dahil sa “new normal” set-up dahil sa pandemya kaya limitado ang kanilang mga kilos at galaw.

‘’Dati kasi may kanya-kanyang galamay ang mga kasali sa PPP, may kanya-kanya silang promo strategy, may kanya-kanya silang presscon, may kanya-kanya silang ginagawang mga gimmicks, pero ngayon, lahat umaasa sa returns or revenue ng PPP,” ani Ms Diño.

“Kaya ang FDCP is really doing a lot of works para talaga ma-promote ‘yung festival which we understand kasi ‘yun naman talaga ‘yung goal namin makatulong sa mga producers. Ayaw rin namin silang gumastos ng sobra para rito,” pagtatapat pa ni Ms Diño.

Samantala, may Free Pass-Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, at PPP Public Events.

Day Pass (PHP 99):  Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase maliban sa Premium Selection titles, at Dalawang (2) Virtual Cinematheque Screens; valid para sa 24 na hours mula sa date of purchase at available simula Nobyembre 20

Half-Run Pass (PHP 299): Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase maliban sa Premium Selection titles, Dalawang (2) Virtual Cinematheque Screens; valid para sa 12 na araw mula sa date of purchase at available simula Nobyembre 20

At Premium Festival Pass (PHP 599): Access sa PPP Short Film Showcase, Special Sandaan Screening, Full List of Films, Festival Calendar, Festival Guide, PPP Public Events, Main Feature Film Showcase kasama ang Premium Selection Showcase, Lahat ng Virtual Cinematheque Screens, Lahat ng Exclusive PPP Events (Q&A Sessions kasama ang Premium Showcase Cast at Director, Panel Sessions, Masterclasses/Lectures, Exclusive Access sa PPP Grand Virtual FanCon, at 15% off sa PPP Merchandise); valid para sa buong festival duration *May Early Bird Rate (PHP 450) para sa Premium Festival Pass na available hanggang Nobyembre 8.

May 30% discount para sa mga estudyante at 20% para sa senior citizens sa Premium Festival Pass at Half-Run Pass. Magkakaroon din ng PPP4+1 Bundle promo.

Read more...