SSS pensioners maagang makatatanggap ng pensyon

Mapapaaga ang pagtanggap ng pensyon ng mga pensioners ng Social Security System o SSS.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay dahil natapat na weekend at special non-working holiday angĀ  Nobyembre 1.

Kahapon sinabi ni Roque na sinimulan na ng SSS ang pagpondo sa unang batch ng November 2020 pension.

Ngayong araw sa ganap na alas 12:00 ng tanghali, ire-release na aniya ng Development Bank of the Philippines ang pondo para sa pensyon.

Read more...