Pagkataklesa ni Kim bentang-benta sa Showtime; Vice may promise sa madlang pipol

 

 

UMANDAR na naman ang pagkataklesa ni Kim Chiu nang banggitin niya ang pangalan ni Julia Barretto habang ini-scroll ang Instagram account ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Bahagi kasi ito ng “Funishment” o parusa sa aktres sa segment nilang “Mas Testing” sa “It’s Showtime.”

Pina-double click ni Vice Ganda ang 20th post ni Gerald sa IG na larawan ng binata na naka-uniporme ng sundalo na kuha naman sa teleseryeng “A Soldier’s Heart.”

Sinunod naman ni Kim si Vice at sabay sabing, “Tapos pagbukas mo rito, nandito si Julia Barretto.”

Biglang may sound effect na nagbasag at sabay sabi ni Vhong Navarro ng, “Live tayo, live!”

Humingi naman agad ng dispensa si Kim, “Ay, bawal ba? Ha-hahaha! Sorry!” Nag- peace sign din ang actress-TV host sabay sabing, “Ay, si Bea Alonzo pala!”

May nakuha kaming feedback mula mismo sa Kapamilya network na nakadagdag sa kasiyahan ng manonood si Kim dahil sa mga kakulitan at pagkataklesa niya.  Idagdag pa raw ang ginawa niyang prank kay si Vice kamakailan na talagang nag-trending.

At dahil 11 years na ang “It’s Showtime” ay asahan na ng kanilang mga tagasubaybay ang maraming pasabog sa mga susunod ma araw.

Magpapasikat sa kanilang performances ang hosts bilang regalo sa madlang pipol ngayong linggo.

Magaganap na sa Sabado (Okt. 31) ang inaabangang taunang Magpasikat competition tampok ang sari-saring pasabog ng apat na teams kabilang na ang pagsasanib-pwersa nina Vice at ang first timer na si Kim.

Magkakagrupo naman sina Vhong Navarro, Amy Perez, at Jackie Gonzaga; magkakampi ulit sina Karylle at Jhong Hilario kasama nila si Ion Perez, at tatak-Jugs and Teddy rin ang handog ng tandem kasama si Ryan Bang.

Bagama’t limitado ang mga pasabog nila dahil sa kasalukuyang quarantine, tiniyak ng buong “It’s Showtime” family na maaaliw ang mga manonood sa ihahain nilang performances.

Sabi ni Vice, “Kahit mahirap ang kondisyones, mahirap mag-perform ngayon kasi may mga safety protocol tayong susundin.

“Limitado ang budget at tao kasi hindi tayo masyadong pwedeng mag-aksaya. We will still try to deliver a good form of entertainment. Serbisyo sa pamamagitan ng entertainment, ibibigay po namin sa inyo ‘yan.”

At dahil “Eleven Up Ang Samahan” ang tema ng selebrasyon ay espesyal ang Mas Testing segment ngayong linggo dahil pagkatapos sumalang sa hulaan si Kim noong ay si Vice naman ang pipiliting makahula nang tama ngayong Biyernes (Okt. 30).

May appearance si Anne Curtis (kasalukuyang nasa Australia) na patuloy na magbibigay ng aliw at cash prizes ang show ngayong linggo sa mapapalad na online viewers sa segments na Mas Testing, Name It To Win It, at Hide and Sing

“Sa bawat tawa at ngiti na sinusukli ninyo, labis labis ang tuwa sa aming mga puso.  Mula noong nagsimula tayo nung 2009 hanggang ngayon, araw-araw ito, wala nang makakapigil sa samahan natin. Solid ‘to,” sabi naman ni Vhong.

Abangan ang “Eleven Up ang Saya” celebration ng “It’s Showtime” at ang Magpasikat performances ngayong Sabado sa A2Z channel 11 analog TV, na available sa Metro Manila at mga bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Mapapanood din ito sa ng cable at satellite TV providers sa Kapamilya Channel (SKYchannel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, GSAT Direct TV channel 22.

 

 

Read more...