NAMATAAN si Sam Milby at ang girlfriend niyang si 2018 Miss Universe Catriona Gray na inilalakad ang kanilang fur baby habang magka-holding hands sa isang mall sa BGC.
May nagpadala kasi sa amin ng video kung saan makikita nga ang magkasintahan na naglalakad sa mall kasama ang alaga nilang aso.
Kaya ang tanong ng nag-tag sa amin ng video nina Sam at Cat ay, “Nagsasama na po ba sila?”
Sa pagkakaalam namin ay hindi magka-live in ang dalawa. Baka nagkita lang sila nang araw na yun para makapag-bonding kahit paano dahil pareho silang busy sa kanilang trabaho.
Mukhang isinisingit lang nila ang pagkikita kapag walang taping si Sam para sa teleserye nilang “Ang Sa Iyo Ay Akin”.
Sabi pa ng nag-tag ng video sa amin, “Grabe ang tangkad ni Catriona, mas matangkad kay Sam.”
Muli naming pinanood ang video, madaya kasi tingnan ang girl lalo’t payat ang beauty queen kaya mukha siyang mas matangkad nga sa aktor.
Anyway, may payo naman si Catriona sa lahat na bago maglabas ng anumang statement o mag-post sa social media dapat may sapat na ebidensiya.
Nasambit niya ito matapos makaladkad ang pangalan niya kasama sina Liza Soberano at Angel Locsin sa akusasyon ni National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF ELCAC) Spokesperson Lt. General Antonio Parlade na may konek sa mga rebeldeng grupo.
Binanggit ni Parlade ang pangalan ni Liza na suportado niya ang Gabriela nu’ng maging guest speaker siya sa webinar kamakailan. Kaya sinabihan niya ang mga nabanggit na personalidad na tigilan na ang pagkakaroon ng komunikasyon sa grupo.
Hanggang sa nadamay na ang kapatid ni Angel na si Ella Colmenares na miyembro umano ng NPA Quezon kaya inalmahan ito ng magkapatid.
Sa panayam ni Catriona sa ANC ay ipinagdiinan niyang wala siyang kinalaman sa Gabriera o anumang rebel group.
Aniya, “I know the groups that I work with. With all respect to Gen. Parlade and also to the Gabriela group, I have not done any projects with them.
“I want people to know that when I am an ambassadress, I don’t just link my name to an organization without knowing exactly what that group does, the projects that they are involved in.”
At ang takeaway ng dalaga sa red-tagging issue, “Be careful on what information to take as truth and also to fact-check and research before making public statements.
Samantala, ibinahagi rin ni Catriona na nagpadala na ng personal letter of apology sa kanya si Parlade.
“I appreciate that he really reached out because it gave me clarification on my end also from the surprise that I felt,” sambit nito.
Dagdag pa niya, “I think it’s always good to listen to advice, however, I felt that there’s a proper way to give guidance, to give warnings, to give advice.
“I hope going forward if there were any warnings to give or advice to give, it would be done in the proper means which I feel is contact directly to the group or individual to let your concerns be known.
“With red-tagging, it’s very difficult because you can construe someone in a certain light and I feel that there should be evidence given or basis given for that tag, for that accusation.
“As with me, there was no actual connection for me and that with the Gabriela organization. So that one is an example of what could happen if proper evidence is not given or proper basis is not presented,” pahayag ni Ms. Gray.