MUKHANG wala nang balak pang magsalita si Pia Wurtzbach tungkol sa kontrobersyang kinasangkutan ng kanyang pamilya nitong mga nakaraang linggo.
Marahil ay naisip ng beauty queen-actress na mas mabuting mag-usap-usap na lang sila in private kesa pahabain pa ang issue at pagpiyestahan ng publiko.
Marami naman ang humanga kay Pia dahil hindi na niya pinatulan ang paglalabas ng kapatid niyang si Sarah ng mga hinaing ay sama ng loob nito sa kanya at sa nanay nilang si Cheryl Alonzo Tyndall.
Mas pinili ng dalaga na manahimik na lang at personal na kausapin ang kapatid at balitang nag-usap at nagkaayos na ang dalawa matapos mag-heart-to-heart talk.
Sa online pageant talk show na “Queentuhan” nagkuwento ang Kapamilya actress-host ng mga life lesson na natutunan niya sa gitna ng pandemya.
“Nagkaroon ako ng oras to really discover myself and really reassess myself. Like, really ask myself, what are the things that really matter to me.
“What are the things that really make me happy, now that I don’t have all of this work to distract me. In some ways, we were forced to really sit back, ano ba yung importante talaga sa buhay, and I realized it’s family.
“It’s the connections that you have with your family, with your loved ones. Magkakalayo kayo, ma-feel niyo pa rin na connected kayo sa isa’t isa,” lahad ng beauty queen.
Pag-amin pa niya, “Hindi yung…ako personally, hindi na masyado yung glitz and glamour. Para sa akin, ang saya ko na, grateful ako na healthy ako, grateful ako na healthy yung family ko.
“Grateful ako na alam mo yung kahit makalabas lang ako nang konti, maramdaman ko yung araw, makainom ako ng kape, masaya na ako.
“The little things matter now. Before ang iniisip ko lang, ‘big goals, big goals’ all the time. I forgot the little things around me.
“Lahat tayo nagkaroon tayo ng time na tanungin ang mga sarili natin kung ano ba yung importante sa atin,” aniya pa.
“Like for example, hindi ko na masyadong pahahabain, pero should I speak up about certain issues? Ang daming nangyayari sa Pilipinas. Ang daming nangyayari sa mundo.
“Am I just gonna sit back and watch, or do I say something? Do I let my stand be known?” pahayag pa niya sa nasabing panayam.
“This whole pandemic has taught us to rediscover really our ourselves, and what really matters to us.
“Parang sa akin, I went back to basics. Sa akin, yun yung mga natutunan ko talaga,” mensahe pa ng Pinay Miss Universe.