Joey Reyes inireklamo ang learning modules na may ‘hugot lines’ mula sa mga pelikula

HINDI kinaya ng powers ng award-winning director na si Joey Reyes ang ilang learning modules na ginagamit ngayon ng mga estudyante.

Dismayado at imbiyerna ang direktor-professor sa mga nakita niyang learning materials na ipinamigay sa mga mag-aaral para sa distance learning program ng gobyerno habang may pandemya.

Sa sobrang pagkabwisit at pagka-bad trip, nag-post talaga sa Facebook si Direk Joey ng kanyang saloobin tungkol sa mga kontrobersyal na modules na ito partikular na ang ginagamit ng pamangkin ng isa niyang kaibigan.

Ipinost ng direktor ang nasabing learning module kung saan mababasa ang mga “hugot lines” at dialogues mula sa mga sikat na Pinoy movies.

“A friend posted this on her wall, tagging and asking me what I thought of this Filipino 2 module that her niece was given to study rhetoric using our national language.

“What was not only dismaying but infuriating about the material is self-explanatory.

“What kind of vision and even professionalism exist among those in charge of education in this country if the teaching of language is based on identifying ‘hugot lines’ and ‘quotable quotes’ from local movies and asking who rendered these dialogue?” pahayag ng direktor.

Aniya pa sa kanyang FB status, “What sort of learning expectations and deliverables are found here … or did whoever made this module think that involving popular culture trivia is an effective way to teach language?

“I work in media, I work in the academe …. and, as I said, I am not only disgusted but infuriated and demoralized by the educational standards being shown to Filipino students.

“How can we develop a nation of critical thinkers whereas some of those who were given the responsibility of shaping the minds of the young are in dire need of brains and even dedication to their work as well?

“Thus today I have concocted a new term: ‘EDIOTS’. Idiots in Education,” matapang pang reaksyon ni Direk Joey.

Kung matatandaan, nag-viral din sa social media ang ilang learning modules na ipinagagamit ngayon sa mga estudyante dahil sa mga mali-maling nakalimbag dito. Isa ang international star na si Lea Salonga sa mga umalma rito.

Samantala, nilinaw ng Department of Education na ang naturang online modules ay hindi nanggaling sa kanilang departamento.

“It’s not part of our online resources,” sinabi ni Director June Arvin Gudoy ng DepEd Public Affairs Service sa panayam ng Bandera.

Ayon kay Gudoy, may monitoring na ginagawa ang DepEd sa mga learning materials ng mga institusyong sakop ng departamento.

Kamakailan lamang ay inilunsad ng DepEd ang Error Watch para magbantay ng mga reklamo kaugnay sa mga mali sa self-learning modules at video lessons.

Read more...