Chris Tiu nagquarantine agad nang ma-expose sa taong may COVID: Nakaka-stress pala ‘to

HUMILING ng dasal ang TV host-cager na si Chris Tiu habang naka-self quarantine sa isang hotel.

Nagdesisyon agad ang Kapuso host at dating professional basketball player na mag-self-isolation matapos malaman na may nakasama siyang nag-positive sa COVID-19.

Ibinalita ni Chris na malayo siya ngayon sa kanyang pamilya at naka-stay pansamantala sa isang hotel habang hinihintay ang resulta ng RT-PCR test.

“Since I came into close contact with someone who tested positive for COVID-19, I decided to go on self-quarantine before taking my RT-PCR,” ang caption ni Chris sa isang maikling video na ipinost niya sa social media.

Dito, ipinasilip niya ang kwartong tinutuluyan niya pati na ang mga pagkaing kailangan niyang ubusin para mapanatili ang kanyang lakas at resistensya.

“Rooms are meticulously cleaned and disinfected before and after arrival of any guest, including the use of UV. No back to back guest bookings in a room.

“Employees who come into contact with guests are billeted in the building. Air purifier, own utensils, cleaning materials, etc,” pahayag pa ni Chris.

Hindi naman niya idinetalye sa ipinost na video kung saan at kung sino ang taong nakahalubilo niya na tinamaan nga ng killer virus.

Pakiusap naman ng basketball player sa kanyang fans and followers, “Lastly, please pray for my negative result! Nakaka stress pala nito! Stay safe, everyone!” 

Sunud-sunod naman ang mga  comments mula sa netizens na nangakong ipagdarasal nila si Chris at sana’y hindi nga nahawa ng COVID ang Kapuso TV host-businessman.  

“Praying for a negative result po. Stay healthy po,” ang komento ng isa niyang tagasuporta.

Read more...