Waiting na ang buong universe sa pasabog ni Miss Taguig Sandra Lemonon

NAGHIHINTAY na ang buong universe sa magiging pasabog ni Miss Taguig Sandra Lemonon patungkol sa katatapos lang na Miss Universe Philippines 2020 beauty pageant.

Ayon sa dalaga, nag-iipon pa siya ng lakas ng loob at tatag ng kalooban para isiwalat ang lahat ng katotohanan sa mga nangyari sa nasabing pageant.

Ang nais lamang daw niyang mangyari ay ang maitama ang dapat itama para sa kapakanan na rin ng mga kababaihang lalahok sa mga susunod pang edisyon ng Miss Universe Philippines.

Alam din ni Sandra na napakaraming nagagalit at nanglalait sa kanya dahil sa ginagawa niyang pag-iingay matapos matalo sa pageant. Iisa ang sinasabi ng mga bashers sa kanya, hindi lang daw niya matanggap na si Miss Iloilo Rabiya Mateo ang kinoronahan at nakakuha ng titulo at hindi siya.

Sa kanyang Instagram Stories idinadaan ni Sandra ang kanyang saloobin ngayon tulad na lang ng ipinost niyang quote mula kay Martin Luther King na nagsasabing, “Injustice anywhere is a threat to justice everywhere.”

Dinagdagan pa niya ito ng, “Sometimes you will have to face many hate before people get to understand what really is happening behind the scenes.”

“I am gathering all my strength to speak up and share the truth,” dagdag pa niyang mensahe na may himig nga ng pagbabanta.

Ipinagdiinan pa niya na ginagawa niya ito para, “To improve for the next batch of ladies who will be in our shoes & I do not want them to face what we did because we can do better & DESERVE BETTER.”

Nauna rito, ni-repost ni Sandra ang tweet ng isang netizen na may handle na “YT Vince Montiero.” Anito, “Sandra Lemonon lost to Catriona Gray twice & she never mentioned any injustices and unfair treatment in the past. Therefore, there’s really something wrong that made her speak up not only for herself, but also for herself, but also for the other contestants.”

Sinagot ito ng dalaga ng coffee cup emoji, timer emoji at salitang, “soon.”

Sa isa pa niyang IG Story post sinabi ni Miss Taguig na, “Defensive behavior is a barrier for communication.

“Only people without a clear conscience should be afraid of the truth. Sweetdreams.”

Umabot sa Sandra sa Top 16 ng Miss Universe Philippines 2020 ngunit nalaglag pagdating sa Top 5.

Samantala, nanindigan naman ang Miss Universe Philippines Organization sa pagkapanalo ni Rabiya Mateo bilang Miss Universe Philippines 2020.

Suportado ng organizers si Rabiya sa gitna ng mga kontrobersya sa pageant. Wala namang inilalabas na official statement ang board of directors ng MUP na sina Shamcey Supsup (national director), Jonas Gaffud (creative director), Albert Andrada (design council head), at Lia Ramos (head of women empowerment committee) tungkol sa issue.

Read more...