RUFA MAE ayaw magpatalbog kina ‘MARING’ at ‘HABAGAT’


MASAYA na rin sa Rufa Mae Quinto sa naging resulta ng pelikula nilang “Ang Huling Henya” na nagsimulang ipalabas sa mga sinehan noong Miyerkules.

Nabiktima man ng bagyong Maring at ng Hanging Habagat na nagdala sa buong Luzon ng matinding baha dahil sa malakast at walang tigil na ulan, natuloy naman ang pagpapalabas ng kanyang pelikula sa mahigit 100 na sinehan sa buong bansa.

At sa totoo lang, maganda ang naging feedback sa pelikula. Pinuri nila si Rufa Mae dahil totoong nag-level up na nga ang akting niya sa movie.

Hindi na lang daw basta patili-tili at pagpapa-sexy ang ginawa ni Rufa Mae, nag-drama na siya at ang mas matindi, nag-action pa siya. At pinatunayan ito ng mga nakapanood na sa pelikula.“Ang galing niya rito.

Tama ang sabi ni direk Marlon (Rivera), pang best actress siya rito,” nangingiting sabi ng isang nakapanood noong first day, kasabay ng pagsasabing hindi talaga masasayang ang inyong ibabayad sa sinehan.

Nagpapasalamat naman si Rufa Mae sa mga nakapanood na ng “Huling Henya”, “Sana manood naman kayo, sa mga hindi pa nakakapanood.

Alam n’yo na. Go, go, go!” sabi ng sexy actress na naniniwalang wala namang ipinanganak na boba, choice na lang daw ‘yun ng isang tao kung gusto niyang maging boba.

Kung sabagay bago naman sinimulan ang pelikulang ito, nagseryoso si Rufa Mae sa pagwo-workshop sa PETA (Philippine Educational Theater Association) and did rigorous training in Muay Thai, boxing and firing para sa kanyang action scenes.

Naglaan talaga siya ng oras, “Siyempre gusto ko rin namang magka-award. Ha-hahaha! Joke! But kidding aside, ibang-iba ako rito. Kaya panoorin ninyo,” sabi niya uli.

Siya si Miri sa “Ang Huling Henya”, one of the best agents of an international group organized to protect scientists and inventors from a tech-grabbing group called The Agency.

Matigas ang ulo ni Miri, malimit siyang hindi sumusunod sa order ng kanilang mga boss sa Agency. In fact, in one of the group’s rescue operations, her refusal to follow protocol gets her long-time partner killed.

So, na-suspend si Miri at pinabalik sa Manila. At dito na nga magsisimula ang nakakaloka at maaksiyong adventure niya.
Kasama rin dito sina Edgar Allan Guzman, Fabio Ide, Candy Pangilinan, DJ Durano at Ricci Chan together with Kean Cipriano, Ayen Laurel, Jovic Munsod and Robert Sena.

Showing na ngayon sa mga sinehan nationwide ang “Huling Henya” under Viva Films.

( Photo credit to Google )

Read more...