SUMUSUMPA ang fashion icon na si Heart Evangelista na wala siyang ipinaretoke sa mukha o sa kahit anong bahagi ng kanyang katawan.
Hanggang ngayon kasi ay may mga nagsasabi na ibang-iba na ang itsura niya ngayon kumpara noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz.
Sa katunayan, may ilang netizens ang talagang nag-effort na gawan ng mga “before and after” photos ang Kapamilya actress para lang ibandera sa buong universe na may mga pagbabago sa kanyang itsura.
Sa Instagram Stories ni Heart, ilang questions mula sa netizens ang sinagot niya, kabilang na nga ang paulit-ulit na tanong kung totoong retokada rin siya tulad ng ibang celebrities kaya almost perfect na ang kanyang ganda.
Diretsahang tanong ng isa niyang IG follower, “Have you done any plastic surgeries?” Na sinagot naman ni Heart ng, “Never done anything to my face.”
Ipinagdiinan pa ng tinaguriang Kapuso Queen of Creative Collaborations na, “Eyes and nose etc were made by God. I swear.”
Agad namang nilinaw ng Kapuso star na wala siyang issue sa mga taong nagpaparetoke, “Nothing against it. In fact, I am for it if ikagaganda mo.”
Feeling din ni Heart, kailangan niyang sagutin ang mga ganitong klase ng tanong dahil, “Hates the idea that some people think I’m lying.”
“I also scar very bad so that freaks me out knowing when I’m much much older how will do some work,” aniya pa.
Marami namang nagtanggol kay Heart na nagsabing nag-bloom lang talaga nang bonggang-bongga ang asawa ni Chiz Escudero kaya nag-iba rin ang kanyang itsura.
Ilang netizens naman ang nagkomento na walang masama kung nagparetoke man si Heart for as long as wala siyang sinasaktan o inaapakang tao.
Naniniwala sila na hindi kasalanan ang pagpaparetoke kaya tigilan na ang pang-iintriga sa aktres. Noon pa raw maganda si Heart kaya hindi na talaga niya kailangang ipabago ang mukha niya.
Isang netizen naman ang nagsabi na mas pagtuunan na lang daw ng pansin ng mga ginagawang pagtulong ng Kapuso actress sa mga mahihirap na Filipono kesa pagtsismisan ang kanyang itsura.