Mahigit 1,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (October 26), umabot na sa 371,630 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 36,333 o 9.8 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,607 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
82.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 10.9 porsyento ang asymptomatic; 2.3 porsyento ang severe habang 4.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 62 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 7,039 o 1.89 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 245 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 328,258 o 88.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.