SA gitna ng pagre-red tag ng isang military official kina Liza Soberano, Angel Locsin at Catriona Gray, matapang ding nagpahayag ng pagsuporta si Heart Evangelista sa mga kababaihang biktima ng pang-aabuso.
Maraming nagtanggol kina Angel, Catriona at Liza matapos akusahan ng pagiging tagasuporta umano ng rebeldeng grupo. Mariin nang itinanggi ng tatlong celebrities ang mga bintang sa kanila.
Binigyan kasi ng malisya ang ginagawa nilang pakikipaglaban para sa karapatan ng mga kababaihan at kabataan at pakikipagtulungan sa mga women’s group sa bansa para sa kanilang adbokasiya.
Habang mainit pa rin itong pinag-uusapan ng madlang pipol, nanawagan din ang Kapuso actress na si Heart Evangelista sa sambayanang Filipino na manindigan kontra-domestic violence.
“This pandemic isn’t the only thing we are fighting this lockdown. With COVID-19 causing many to stay indoors, there’s an increased risk for women to suffer gender-based violence (GBV) within their homes,” mensahe ng aktres sa kanyang Instagram followers.
Aniya pa, “Statistics show that at least one out of every four Filipinas has experienced some type of abuse whether it be verbal, emotional, or physical. This shouldn’t be ignored any longer. We are taking a stand now.”
Ganito rin ang ipinost niya sa kanyang Facebook page kalakip ang ilang infographics hinggil sa ilang kaso ng domestic violence pati na ang hotline kung saan maaaring mag-report ang mga biktima at ang kanilang pamilya o mga kaibigan.
Ayon sa ulat ng World Health Organization (WHO), “violence against women has increased during the pandemic due to a number of reasons including financial problems and health stress.”
Base sa nasabing report, verbal abuse ang pinakamaraming kaso ng “violence against women”, sinundan ng emotional and physical violence, sexual harassment at sexual exploitation online.
Samantala, sa kabila ng pagsasangkot sa kanila sa kontrobersya, hindi pa rin titigil sina Angel, Catriona at Liza sa kanilang adbokasiya laban sa pang-aabuso sa mga kababaihan.