‘DOTS PH’ cast members inatake ng ‘sepanx’ matapos sumabak sa lock-in taping

PARE-PAREHONG inatake ng “sepanx” ang cast members ng Kapuso series ba “Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)” matapos ang kanilang lock-in taping.

Pamilya na kasi ang naging turingan nina Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, Rocco Nacino, Jasmine Curtis at ng iba pa nilang co-stars sa serye dahil sa halos isang taon din nilang pagsasama-sama.

Inamin nila na mas na-miss pa nila ang isa’t isa nang matigil ang taping ng “DOTS PH” dahil sa lockdown dulot ng COVID-19 pandemic. Kaya naman super excited sila nang i-announce ng production na magte-taping na sila uli under the new normal.

“Mas naging tight nga ‘yung samahan kasi imagine tuloy-tuloy kami magkakasama kahit na medyo challenging pero masaya pa rin, ‘di ba?

“Mas maging close pa nga kami dahil sa lock-in taping kasi prior to that maganda na ‘yung working relationship naming lahat, e,” kuwento ni Dingdong sa panayam ng GMA.

Dagdag pa niya, “Talagang solid, kaya no’ng natigil dahil sa pandemic, parang sabi namin, ‘Nako, matutuloy pa kaya ‘to?’

“Luckily, natuloy naman at natapos at nasa Netflix pa at TV kaya mapapanood na natin,” sey pa ni Dong.

Kuwento naman ni Jen, marami silang adjustments na ginawa sa lock-in taping at talagang matindi ang pagpapatupad ng health protocols sa location.

“Nu’ng nag-lock in, magkakahiwalay kami ng tent tapos magkikita-kita lang kami sa set tapos kapag free day namin, si Jasmine nagwo-workout, sila Dong, wo-workout.

“Nakaka-miss lang ‘yung masayang samahan ng DOTS kasi para na kaming isang pamilya,” chika ni Jennylyn sa nasabi ring panayam.

And yes, halos lahat ng involved sa production ay nakaranas ng separation anxiety nang matapos na ang kanilang taping.

“More than anything, I really miss and cherish the times that we got to hang out off set.

“Nagkaron ng chances to become personal, to learn more about each other and where everyone is coming from,” sey ni Jasmine.

Bukas ng gabi, babalik na sa GMA Telebabad ang “Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation)” , 9:15 p.m. sa GMA. Mapapanood muna ang two week recap nito at simula sa Nov. 8 ipalalabas na ang fresh episodes ng serye.

Read more...