Ilocos Norte, Cagayan Valley, niyanig ng 3.2 magnitude na lindol

Phivolcs

Niyanig ng 3.2 magnitude na lindol ang Ilocos Norte at Cagayan Valley ganap na 6:32 a.m. ngayong Sabado.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol may 19 na kilometro sa timog-silangan ng Santa Praxedes sa Cagayan. Mababaw lamang ang pinagmulan nito na may sukat lamang na anim na kilometro.

Naramdaman ito sa lakas na Intensity II sa bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte.

Walang naiulat na nasaktan o pinsala mula sa pagyanig.

Read more...