Kim bagong ‘Queen of the Dance Floor’, may issue ba kay Maja?
MAY bago na namang titulo si Kim Chiu. Pagkatapos bansagang Millennial Horror Queen, siya na ngayon ang bagong Queen of the Dance Floor.
Hataw kung hataw naman kasi talaga ang Kapamilya actress-TV host sa mga bonggang production numbers niya sa “ASAP Natin To” pati na rin sa “It’s Showtime.”
Pero siyempre may mga nang-iintriga sa pagbibigay ng nasabing titulo kay Kim dahil kung matatandaan, si Maja Salvador ang dating may hawak ng korona bilang reyna ng dancefloor sa “ASAP”.
At ngayong wala na ang aktres sa programa dahil lumipat na nga sa TV5 kay Maja na ito ipinamana. Pero para kay Kim wala naman daw isyu ito at hindi naman daw niya hiningi o ninakaw ang nasabing pagkilala.
“Nagpasalamat ako sa ASAP kasi I’m not the best dancer. I can dance but I’m not the best pero binigay nila sa akin yung title na Queen of the Dance Floor and masaya naman ako na next year, magpi-15 years na rin ako sa ASAP so happy and thankful.
“Tsala wala naman (issue). Basta ginagawa lang namin ng maayos yung production number namin and nag-e-enjoy naman kami sa ginagawa namin and yung mga fans namin, people who truly support us, nag-e-enjoy din sila sa ginagawa namin. So that’s more important,” magandang paliwanag ng dalaga sa ginanap na virtual presscon para sa horror movie niyang “U-Turn.”
Samantala, excited na si Kim na mapanood ng madlang pipol ang “U-Turn” kung saan makakasama niya sina JM de Guzman at Tony Labrusca, directed by Derick Cabrido under Star Cinema.
“U-Turn is an Indian adaptation movie, meron ito sa Netflix kung gusto niyo malaman kung ano yung kuwento niya and ni-remake niya, nilagyan siya ng Filipino taste which is yun yung ginawa namin dito and yan yung U-Turn Philippine version.
“Yan yung pelikula para kung gusto n’yo ng barkada movie sa pagsalubong ng Undas, as in it is a really good movie para mag-bonding kayo with family and friends dahil kahit ako, gulat na gulat ako sa mga nangyayari.
“Lalo na nu’ng nilagyan na ng sound and effects, lahat. Iba ang galing. Kaya salamat kay Direk Derick sa paggawa nitong pelikula na ito. Tinutukan niya ako masyado sa lahat as in lahat. So sobrang excited ako,” ani Kim.
Aniya pa, “Siyempre new normal kind of movie ito. First time na movie experience na bagong pelikula. Wala siya sa Netflix, nasa KTX.ph siya. Sa iWantTFC naka-pay-per-view siya sa Skycable at sa Cignal for only P150.
“So ibang movie experience. Hindi siya sa sinehan kasi siyempre takot naman tayo baka makakuha pa kayo ng sakit dun. So now, Star Cinema made a way para makanood kayo ng bagong movie in the comfort of your own home,” lahad pa ng dalaga.
Mapapanood na simula sa Oct. 30 ang “U-Turn”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.