NANGANAK na nga ba ang Kapamilya young actress na si Janella Salvador?
Yan ang tanong ng mga fans at netizens matapos mag-post ang kanyang boyfriend na si Markus Paterson sa Instagram ng litrato ng isang bagong panganak na sanggol.
Bukod dito, isa pang photo ng babae na nakahiga sa hospital bed at tila natutulog ang ibinahagi ni Markus sa kanyang Instagram Story na kamukha nga ni Janella.
Burado na ito ngayon sa IG account ng young actor ngunit may nakapag-screenshot ng mga larawan na siya ngayong kumakalat sa social media.
Nitong nakaraang buwan, kumalat ang chika na nagdadalang-tao umano si Janella at si Markus nga ang itinuturong tatay.
Ngunit hanggang ngayon ay wala pang inilalabas na kumpirmasyon ang magdyowa at hindi rin naman sila nagdedenay tungkol dito kaya ang paniwala ng marami ay may bahid ng katotohanan ang tsismis.
Nasa UK ngayon sina Janella at Markus at kasalukuyang tumutuloy sa bahay ng pamilya ng aktor. Last month lang nabalita na nagtungo rin doon ang nanay ni Janella na Jenine Desiderio at ang kapatid niyang si Russell.
Sa gitna ng chika na buntis umano si Janella, ibinandera ni Markus sa isang panayam na mahal na mahal niya ang aktres. Ibang-iba raw ang nararamdaman niya kapag kasama niya ang aktres.
“I’ve never been in love the way I am. I’ve never felt the love that she makes me feel. There is no one or thing that could make me look at another woman the way that I look at her right now,” sabi ni Markus sa online chikahan nila ng kaibigang si Kyle Echarri.
Aniya pa, “Like, it’s not even fair to my family how much I’m in love with this woman. Because I would put her above anything else. To the vague question why I’m still with her, it is because I couldn’t live without her. That’s as simple as it is.”
Hintayin na lang natin ang announcement nina Janella at Markus tungkol sa balitang ito, dahil hangga’t hindi sa kanila nanggagaling ang kumpirmasyon mananatiling pahulaan ang isyung ito.