BACK to zero. Ganyan ang feeling ng Kapuso actress na si Jasmine Curtis nang bumalik sa taping ng seryeng “Descendants of the Sun”.
Inamin ng dalaga na talagang effort para sa kanya ang mag-internalize para sa role niya sa “DOTS PH” bilang military doctor na si Captain Moira makalipas matengga sa bahay nang ilang buwan.
Bago rin kasi siya sumalang sa lock in taping ng nasabing Kapuso series, gumanap din siyang nurse sa “I Can See You” ng GMA, bukod pa sa pagiging lesbian sa short film na “Until It’s Safe” at sa isa pa niyang role sa pelikula nila ni Piolo Pascual.
“I jumped from a different production then I had three days to kinda brush that character off and try to go back to Captain Moira and, especially, matagal na siyang hindi na-portray.
“Kumabaga, I haven’t been in her shoes for quite some time,” sey ni Jasmine sa ginanap na mediacon para sa pagbabalik-primetime ng “Descendants of the Sun”.
May conscious effort din kay Jasmine ang mas galingan this time dahil mapapanood na rin ang kanilang serye sa Netflix Philippines.
“I just started watching the original series again and then I tried to look at the clips from our serye also para magamay ko ulit. And then I read some of my notes from my past tapings.
“Sayang kapag hindi maganda ‘yung result, considering we’re gonna be on a bigger platform so I really want to make sure to give that but it was difficult,” aniya pa.
Kung matatandaan, natigil ang pag-ere ng “Descendants of the Sun” sa GMA Telebabad dahil sa lockdown at makalipas nga ang anim na buwan, muli na itong mapapanood simula ngayong Lunes.
* * *
Last weekend, limang na-eliminate na contestants ang nakabalik sa “The Clash” season 3 stage sa “all or nothing” sing-off na “One More Clash”.
This week, sasabak na ang napiling Top 20 sa bagong set of challenges sa pagsisimula ng “The Clash Round Two” kaya naman asahan na ang mas matitinding tapatan ng mga Clashers.
Kailangang mas mag-level up sa round 2 ng laban ang kanilang performances para ma-impress at mapanganga ang Clash Panel. For this week, makakasama muna nina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista at Comedy Concert Queen Ai Ai delas Alas ang original Concert Queen na si Pops Fernandez.
But wait, there’s more! Last Sunday, may apat na kulay ang biglang bumandera sa big screen ng “The Clash” stage.
Ano nga kaya ang ibig ipahiwatig ng mga kulay na WHITE, RED, BLACK at BLUE? And how will these colors change the face of the competition?
Iri-reveal na yan bukas ng gabi as the fabulous foursome of Clash Masters Julie Anne San Jose and Rayver Cruz together with Journey Hosts Ken Chan and Rita Daniela guide the Top 20 Clashers through their journey in and out of the Clash Arena.
Dream versus dream. Voice versus voice. Sa huli, ang matibay lang magsu-survive — “The Clash”, isa laban sa lahat airs right after “Pepito Manaloto” sa GMA 7 lang.