Pagtatanggol o pagdidiin? Depensa ni Parlade kay Liza, binatikos ng Gabriela

Rep. Arlene Brosas (kaliwa), at Liza Soberano

Binatikos ni Representative Arlene Brosas ang ginawang pagtatanggol ni Lieutenant General Antonio Parlade, hepe ng Southern Luzon Command, kay Liza Soberano laban sa bansag na isa siyang komunista.

Sinabi ni Brosas, kinatawan ng partylist group na Gabriela Women’s Party, na ang totoo ay binansagan mismo ni Parlade si Soberano sa pagsasabing hindi o “hindi pa” myembro ng New People’s Army ang aktres.

“Lieutenant General Antonio Parlade’s appeal to stop red-tagging Liza Soberano is starkly ironic because he actually red-tagged Soberano in his same statement,” ani Brosas.

Naging guest speaker kamakailan ng Gabriela Youth si Soberano sa isang forum kaugnay sa karahasan laban sa kababaihan at mga bata. Sa nasabing forum, nagpahayag ng pagkabahala ang aktres sa tumataas na bilang ng mga kaso ng pang-aabusong sekswal sa mga batang babae ngayong panahon ng pandemya.

Ito ay bagay na hindi nagustuhan ng YouTube vlogger na si Maui Becker dahil front lamang umano ng Communist Party of the Philippines ang Gabriela. Binansagan niya ang aktres na isa nang “rebeldeng NPA” at sinabihan pa na  “stupid bitch” sabay utos na “manahimik” na lang at huwag makialam sa isyu ng mga bata.

Sinabi ni  Parlade na kailangang mapaliwanagan si Liza at iba pang celebrities na aniya ay target ng underground organization na pinapatakbo ng mga komunista.

“She has to be protected in the exercise of her rights. Is she an NPA? No, of course not. Not yet,” ani Parlade.

“So let’s help educate her and the other celebrity targets of Malayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), the Underground Mass Organization hiding under Gabriela Women’s Party,” dagdag nito.

“So, Rep. Arlene Brosas and Gabriela, shame on you if you haven’t informed your recruits about your hidden violent agenda,” wika pa ni Parlade.

Ayon kay Brosas, malisyosong idinawit ni Parlade si Soberano sa isyu ng rebelyon habang kunwari ay ipinagtatanggol ito.

“By saying that Soberano is ‘not yet an NPA,’ he is maliciously associating the actress with the armed movement when what she did in the youth forum was to only speak up for all the victims of gender-based violence and abuse,” wika ni Brosas.

“It is clear that Parlade, the NTF-ELCAC and the paid trolls are the ones who are rabidly red-tagging Liza Soberano and other female celebrities and influencers who are taking a stand and speaking out against the macho-fascism under the Duterte regime,” dagdag pa niya.

Tinutukoy ni Brosas ay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC kung saan si Parlade ay isa sa mga aktibong kasapi.

“How come these macho-fascists have the audacity to mansplain strong women and lecture them on what to do? And why do they seem so afraid of women using their platform to defend other women?,” ani Brosas.

Binatikos rin ni Brosas ang mga opisyal ng NTF-ELCAC na umano’y aktibong naninira sa Gabriela Women’s Party sa kabila umano ng mahigit 20-taong kasaysayan ng grupo sa pagtatanggol ng karapatan ng mga babae at bata.

 

Read more...