Kabilang ang Pilipinas sa 10 bansa sa mundo na nangunguna sa larangan ng pamumuhunan sa telekomunikasyon, ayon sa IMD World Digital Competitiveness Rankings of 2020.
Tumataas ang pamumuhunan para sa pagpapahusay ng telecommunications infrastructure bilang resulta na rin ng tumataas na pangangailangan ng bansa sa connectivity at internet access na mahalagang bahagi ng new normal.
Kabilang ang Globe Telecom sa mga telcos na nagpapaunlad ng kanilang pasilidad alinsunod na rin sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi bababa sa P50.3 billion capital expenditures ang inilaan para sa Globe’s network expansion at upgrades ngayong 2020. Kinabibilangan ito ng pagpapatayo ng dagdag na cell towers at fiber modernization para paiksiin ang patlang sa mga lugar na nangangailangan ng maayos na komunikasyon.
“It’s been a number of years that the country has been over-indexing other countries when it comes to capital expenditures. For 2019, our CAPEX to revenue ratio is about 34%. We expect to continue with the investments because of the increasing demand for our services,” saad ni Ernest Cu, president at chief executive officer ng Globe.
Nakatutok umano ang investments sa telecom infrastructure sa pagpapatayo ng dagdag na mga tore upang mapalawak ang kanilang coverage at kapasidad lalo’t niluwagan na ng gobyerno ang mga patakaran sa pagkuha ng mga permit.
Ang pagdagdag naman ng fiber connections sa mga bahay-bahay ay isa pang uri ng investment opportunity para mabigyan ang mga kostumer ng mas maayos na data experience.
Nabatid din sa ulat ng IMD World Digital Competitiveness Rankings of 2020 na ang mga bansa na may mahusay na infrastructure ay mas mataas ang tsansa na maibsan ang impact ng pandemya sa kanilang ekonomiya.
“With better, faster, accessible and affordable services, more opportunities will be made available to our people. These opportunities will then be translated to a more stable and stronger economy that hopefully will give the Philippines a better spot in World Digital Competitiveness rankings in the future,” dagdag ni Cu.