SA isang taping o shooting ay portable toilet (portalet) ang kadalasang ginagamit ng mga artista pati na rin ng production staff and crew.
Alam naman ito lahat ng mga taong involved sa production. Kapag nasa building naman ang location ay masuwerteng ipagagamit ang restroom ng may-ari.
Going back sa paggamit ng portalet ay naloka ang nangangasiwa nito dahil nu’ng lilinisan na niya ay may naamoy na siyang kakaiba at nakita nga niya na may gumawa ng “milagro.”
May baguhang artista na binanggit sa amin na posibleng nagmamay-ari ng “milagro” sa portalet na nu’ng banggitin ang pangalan ay hindi rin namin kilala.
Tinanong namin kung ano na ang mga naging project nito, ‘yun pala so-so lang at dahil medyo nakakaluwag sa buhay kaya iba rin ang kilos at galaw.
Sakit sa ulo sa production ang baguhang artista dahil maraming alibi kapag kino-call na siya para sa shooting ng indie film, kesyo may ibang lakad, kesyo may emergency at kung anu-ano pa.
Komento ng executive producer, “Dapat sana makipag-compromise siya since malaki naman ang bayad niya rito.”
Tinanong namin kung marunong bang umarte para may pasaporte siyang magmaganda o mag-attitude at ang mabilis na sagot sa amin, “HINDI!”
* * *
Extended hanggang sa Linggo, Okt. 25 ang Early Bird Rate period para sa Pista ng Pelikulang Pilipino 4 (PPP4) Premium Festival Pass ng Film Development Council of the Philippines.
Ang Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP ay may total ng 168 na kasama sa film festival pagkatapos i-anunsyo na may karagdagang 23 mula sa ABS-CBN at Regal Films.
Ang “PPP4: Sama All” ay may dalawang pelikula mula sa Regal Films at 21 na pelikula mula sa ABS-CBN Films ang idinagdag sa lineup ng ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) ng Film Development Council of the Philippines (FDCP). Ang kabuuang bilang ng PPP4 films ay 168, na may 90 na full-length features at 78 na shorts.
Ang horror film na “Aswang” nina Peque Gallaga at Lore Reyes at ang Chito S. Roño drama na “Signal Rock” ay mula sa Regal Films. Ang “Aswang” ay nasa Genre section at ang “Signal Rock” ay nasa Pang-Oscars section.
Dalawa sa pinakaaabangang ABS-CBN titles sa PPP4 ay ang “Transit” ni Hannah Espia at “Sila-Sila” ni Giancarlo Abrahan. Nasa Pang-Oscars section ang “Transit” habang kabilang ang “Sila-Sila” sa pinakabagong PPP Premium Selection titles kasama ang restored version ng “Markova: Comfort Gay” ni Gil Portes at “Metamorphosis” ni J.E. Tiglao.
Tatlong restored na obra ng National Artists for Cinema ang idinagdag sa Classics section: “Banaue” ni Gerardo de Leon, “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?” ni Eddie Romero, at “Anak Dalita” ni Lamberto V. Avellana. Ipalalabas nang libre ang “Anak Dalita” bilang bahagi ng Sagip Pelikula Advocacy Campaign ng ABS-CBN na may pakikipagtulungan sa LVN Pictures, Inc. upang mapanood ito nang mas nakararami.
Ilan sa mga pinakamamahal na Star Cinema romantic films, na restored versions din, ay kabilang na sa PPP4. Ang mga ito ay ang “A Very Special Love” ni Cathy Garcia-Molina tampok sina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, “Kailangan Kita” ni Rory Quintos na pinagbidahan nina Aga Muhlach at Claudine Barretto, at “Sana Maulit Muli” ni Olivia M. Lamasan tampok sina Muhlach at Lea Salonga. Samantala, ang King of Comedy na si Dolphy ay kasama sa Tribute section sa pamamagitan ng restored na “Captain Barbell” ni Jose “Pepe” Wenceslao.
Ayon kay FDCP Chairperson at CEO Liza Diño, “The PPP4 is a show of solidarity as it gathers 168 films in a grand showcase of Philippine Cinema. I am delighted that the PPP spirit is embodied in this year’s online edition as it brings together the industry and community in one platform to promote the appreciation for Filipino films and help provide support to the film industry badly hit by the pandemic.”
Inaanyayahan ng “PPP4, Sama All!” slogan ang filmmakers, audiences, at iba pang stakeholders ng FDCP na makiisa sa industriya habang patuloy na kinakaharap nito ang COVID-19 na krisis. Idinagdag ni Diño na 100% ng proceeds mula sa sales ng PPP4 Festival Passes ay mapupunta sa producers ng kasaling full-length films.
Magaganap ang PPP4 mula Okt. 31 hanggang Nob. 15 sa FDCPchannel.ph platform: