LGBTQ+ bilib sa tapang ng GMA; Chynna nagpasalamat sa ‘halikan’ nina Rhian at Jennylyn

PINURI ng LGBTQ+ community ang tapang ng GMA 7 matapos umere ang pinag-uusapan at trending na kissing scene nina Jennylyn Mercado at Rhian Ramos.

Nangyari ito sa pilot episode ng drama anthology na “Truly. Madly. Deadly.”, ang ikaapat na episode ng Kapuso mini-series na “I Can See You” sa GMA Telebabad.

Maraming nag-react sa halikan nina Jen at Rhian at karamihan nga sa kanila ay mga miyembro ng LGBTQ. Natutuwa sila na pinayagan na rin sa wakas on national TV ang same sex kissing scene.

Isa sa mga tagasuporta ng LGBTQ+ community ang Kapuso actress-TV host na si Chynna Ortaleza at natuwa rin siya nang mapanood ang kontrobersyal na kissing scene nina Jennylyn at Rhian.

Ayon kay Chynna, isang bold move ito para sa GMA dahil sa pagkakaalam niya istriktong ipinagbabawal ang paghahalikan o matinding love scene sa pagitan ng parehong lalaki o babae sa isang TV show.

Tweet ni Chynna, “The advancement. I remember struggling with the idea that expressions of love between the same sex on television were frowned upon and monitored ever so closely during the time of ‘My Husband’s Lover’ and ‘The Rich Man’s Daughter.’

“P’wede na po ngayon? Maraming salamat kung ganun,” aniya pa.

Ang tinutukoy ni Chynna ay ang “My Husband’s Lover” na ipinalabas noong 2013 kung saan marami ang nadismaya at nalungkot nang hindi pinayagang umere ang kissing scene nina Tom Rodriguez at Dennis Trillo sa finale episode nito.

Bukod dito, hindi rin ipinalabas sa ending ng seryeng “The Rich Man’s Daughter” ang halikan nina Rhian Ramos at Glaiza de Castro na talagang inabangan din ng mga manonood.

Kaya naman marami ang nagulat nang maghalikan sina Jennylyn at Rhian sa pilot episode pa lang ng “I Can See You: Truly. Madly. Deadly.” last Monday. At dahil nga rito, talagang naging hot topic ito sa social media hanggang sa mag-number one trending topic sa Twitter.

Sa huling dalawang gabi ng “Truly. Madly. Deadly.” abangan ang mas marami pang rebelasyon at shocking twists sa buhay nina Coleen (Jennylyn), Abby (Rhian) at Drew (Dennis).

Kaya huwag palalampasin ang pagpapatuloy ng “I Can See You: Truly. Madly. Deadly.” sa GMA Telebabad after “Encantadia.”

Read more...