EVERYTHING that Heart Evangelista posts on her Instagram account, it seems, are conversation pieces.
Her latest post, home-made French fries which resembles that of Chanel became an interesting piece of conversation on social media.
Marami ang naloka sa French fries ni Heart na korteng Chanel ang pagkakagawa. Talagang pinag-usapan iyon sa social media. Netizens thought they were uber sosyal.
“Sabi ni mommy we should eat LV fries than chanel fries daw.”
“Ganito na ba ako kadukha!?”
“Grabe pati ba naman fries sinampal din akong hampaslupa!”
“Can I come over to your house and use your Ogawa chair while we eat Chanel fries and make chika? Lol! we live on the same street lang.”
“Sobrang hampas lupa talaga natin!”
“Nasampal na naman ako ng katotohanan dahil sa fries na yan!”
“Miss heart share that fries naman sa mga difficult and dead hungry.”
“Malalaman mong hampas lupa ka kapag pina follow mo si Ms Heart.”
Ilan lang yan sa mga reactions ng netizens na lumabas sa isang website.
* * *
May mga nang-iintriga pala sa “Hide and Sing” segment ng “It’s Showtime” dahil ginaya umano nito ang “Masked Singer Pilipinas” na malapit nang ipalabas sa TV5. Parehas kasing hulaan ang konsepto ng dalawang programa.
Nakakatawa naman ito, ha. Kung konsepto man lang ang pag-uusapan, nauna na rito ang “I Can See Your Voice” ng ABS-CBN na malapit na ring bumalik sa A2Z channel.
Sa show, hinuhulaan din ng contestants kung sino ang totoong singer sa anim na mystery singers.
Kaya hindi ko maintindihan kung bakit inaakusahan pa ang Kapamilya network na nanggaya o “nag-preempt” daw ng “Masked Singer” kung “I Can See Your Voice” naman talaga ang nauna noon pa.
Wala na dapat isyu dito dahil ang hulaan o guessing game sa mga programa ay hindi na bago. Matagal na itong ginagawa sa TV at hindi ito claim to fame at original idea ng “Masked Singer.”
Speaking of original idea, ano ba ang TV show ngayon na masasabi nating napakaorihinal, walang pinagkopyahan at “out-of-the-box”? Hintayin natin ang sagot ng mga basher.
Kasi sa totoo lang, bakit hindi na lang natin hayaan ang mga manonood na ma-enjoy ang mga gusto nilang show? Kung napapasaya naman ng ABS-CBN at TV-5 ang viewers nila, eh, di mas maganda iyon para sa ating lahat na naghahanap ng aliw habang nakatambay sa bahay.
Mas maraming choices, mas maganda sa viewers. Hayaan nating ang viewers ang magdesisyon alin ang mas masayang panoorin imbes na mang-intriga o manira pa kung sino ang nauna. Guessing games are generic, ‘no!!!