INAMIN ng anak ni Jose Manalo na si Nicco na hindi naman ganu’n katindi ang nararamdaman niyang galit sa ama. Artista na rin ngayon ang binata at marami-rami na rin pala siyang nagawang pelikula, kabilang na ang “Zombadings: Patayin Sa Syokot Si Remington”.
Kasama naman siya ngayon sa “Instant Mommy” ni Eugene Domingo, isa sa mga naging hit sa nakaraang Cinemalaya 2013. Sa presscon ng nasabing pelikula ay sinabi ni Nicco na hangga’t maaari ay ayaw na muna niyang makialam sa problema ni Jose at ng nakahiwalay nitong asawa na si Annalyn Manalo.
Kung matatandaan sinampahan ni Annalyn si Jose ng Anti-Violence Against Women and Children Act o Republic Act 9262 case at sa pagkakaalam namin ay dinidinig pa rin ito hanggang ngayon.
Panganay si Nicco at ginagawa niya ang lahat para makatulong sa kanyang pamilya, kay Annalyn siya nakatira ngayon kasama ang iba pa niyang kapatid, “Right now, I’m living with my mom and I’m thinking about them first rather than the personal agenda of the people involved.
“It’s more of, ayusin muna natin ang mga dapat ayusin. Sige, ayusin n’yo ‘yan, tapos ako, I’ll do what I can para makatulong,” chika ni Nicco sa interview ng entertainment press.
Hindi rin daw tama na meron siyang kampihan sa mga magulang, “Kasi kahit noong nagsimula ‘yung gulo na ito, simula noong nagkaroon na kami ng problems, I didn’t want to take a side.
Ayaw ko ‘yung pinapaboran ko ‘yung mommy ko o pinapaboran ko ‘yung daddy ko. It’s their problem, I don’t wanna interfere to that.
“It’s their problem that they have to fix kasi nga maraming kapatid ko ang involved, maraming bata ang involved. Mas doon ako concern, rather than kung sino ang tama, sino ang mali,” aniya pa.
Dasal daw ni Nicco, “Maging maayos na at magkasundo. Forget about kung ano ang gusto niya, ano ang gusto niya. Isipin natin ang responsibilities natin, kung ano ang kaakibat niyan and kung sino ang mga taong involved na dapat hindi nadadamay.”
May galit ba siya kay Jose dahil hanggang ngayon balitang hindi sila nag-uusap? “It’s not too much hatred, it’s more of a lot of questions, na siguro soon ay masasagot.
Pero right now, I don’t see it happening. Pero eventually, I’m sure I will be able to talk to him.”
( Photo credit to Google )