Beauty babalik din sa ABS-CBN; handa na uling makipagbakbakan kay Dimples

Beauty babalik din sa ABS-CBN; handa na uling makipagbakbakan kay Dimples

Reggee Bonoan |October 21,2020
share this

Beauty babalik din sa ABS-CBN; handa na uling makipagbakbakan kay Dimples

Reggee Bonoan | October 21,2020 - 10:44 AM

BABALIK din pala sa Kapamilya Network si Beauty Gonzalez pagkatapos ng proyekto niya sa TV5.

Ito ay ang “I Got You” series kung saan makakasama rin niya sina Jane Oineza at RK Bagatsing mula sa direksyon ni Dan Villegas handog ng Brightlight Productions at Cornerstone Studio.

Sa blogger’s virtual mediacon para sa nasabing programa ay inamin ng aktres na may communication pa rin siya sa mga taga-ABS-CBN.

Inakala raw kasi ng iba na dahil may mga show sila ni Dimples Romana sa TV5 na nakasama niya sa Kapamilya series na “Kadenang Ginto” ay tuluyan na nilang iniwan ang Kapamilya network.

“Siyempre nu’ng ibinalita po sa akin, unang-una akong nagpaalam sa asawa (Norman Crisologo) ko kasi may pandemic ngayon saka frontliner din kami bilang mga artista na lalabas para magbigay ng saya sa mga tao.

“And also inspiration in their lives, so we are also risking our lives kaya nagpaalam ako at pumayag siya kaya thankful ako ro’n.

“Nagpaalam ako sa mga boss ko sa ABS-CBN kasi siyempre sobrang grateful ko sa kanila kasi hindi naman magiging Romina Mondragon ako or Beauty Gonzalez kung hindi dahil sa kanila.

“Dahil sa kanila nakagagawa ako ng ganito kagagandang projects, nakukuha ko itong mga ganitong magandang offer, nu’ng pumayag sila, tinanggap ko itong TV5 na project.

“And honestly, I’m happy that sir Albee (Benitez, producer ng show) is doing this if he can get the best and the brightest stars in front and behind the camera and put in good place. It’s a nice thing na lahat kami may trabaho ngayon.  Lahat kami puwede naming ipakita kung ano pa ang kayang ipakita not only to ABS-CBN but also to TV5.

“And babalik din ako do’n (ABS-CBN), may gagawin din ako ro’n soon and you know I’m just so happy na nangyayari ito ngayon ang lahat kami nagkakaroon ng trabaho ngayon lalo na sa panahon ng pandemya.

“Yung Brightlight productions sobrang thankful ako kasi lahat kami maayos ang work namin, ang sarap bumalik sa trabaho, lahat kami we feel safe and then when you feel safe mas lalo mong maipakita ‘yung galing mo, di ba?” kuwento ni Beauty.

Sa pagbabalik ba niya sa Kapamilya network ay makakasama niya ulit si Dimples?

“Well, alam mo naman si Romina (Mondragon) hindi aatras sa laban.  Lalaban tayo diyan kung meron. I will fight, di ba? Excited ako kung magka-project kami ulit ni Dimples o kahit sinuman excited talaga ako.

“I’m just happy to make people happy, I’m happy to make people cry, to make people laugh, to make people relate themselves and you know, I think everything that’s happening with us right now I always believe that good things happen to good people, we just doing good,” sabi pa ng aktres.

Paano kung hindi lang isang season ang “I Got You” lalo na kapag nag-click ito at i-renew ng TV5 ang kontrata ng Brightlight for another year, hihintayin ba ng ABS-CBN si Beauty? Unless pabor ang Kapamilya network na mapapanood ang aktres sa dalawang network.

Anyway, nagsimula ng mapanood ang “I Got You” nitong Linggo, sa TV5 pagkatapos ng “Sunday Noontime Live.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending