BINALAAN ni Ruffa Gutierrez ang mga lalaking makakarelasyon ng mga anak niyang sina Lorin at Venice na dalagang-dalaga na rin ngayon.
Ayon sa dating beauty queen at aktres, mananagot sa kanya ang sinumang mananakit at magpapaiyak sa kanyang precious daughters.
“Kapag sinira nila ang buhay ng anak ko o iyong puso ng anak ko, lagot sila.
“Hindi lang sa akin, sa tatay nila, pero sa buong pamilya namin. So, kailangan, ingat sila. Iyon lang iyon.
“Dapat mahalin niyo si Lorin o si Venice. Ang message ko dapat maging seryoso sila sa anak ko,” ang seryosyo at tila may pagbabantang pahayag ni Ruffa sa nakaraang virtual mediacon para sa digital movie series nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na “The House Arrest of Us”.
Samantala, sa guesting naman ni Ruffa sa “Magandang Buhay”, hindi niya napigilan ang maluha nang mapanood ang video message nina Lorin at Venice para sa kanya.
“We are very grateful for you. We appreciate everything you do. Even if we don’t show it most of the time, se both love you so much,” ang sabi ni Venice kay Ruffa.
Ayon naman kay Lorin, “I’m super grateful, especially ’cause my mom is really emotional because it’s my last year of high school, but just know when I do move to the next chapter of my life, there’s gonna be no one I miss more than you.
“And even if we are far away, even if you think because we are far away we’re not going to text you, we are still going to text you for everything.
“That’s not going to change and I know that because you still text lola for everything. So we are super grateful and we love you so much,” sey pa ni Lorin.
At habang siya na ang nagbibigay ng mensahe para sa mga anak, napaiyak na si Ruffa, “Ngayon iniisip na nila kung saan sila magka-college, kung magka-college sila sa abroad.
“So, thank you so much girls, I love you so much and I know, you know that in everything I do, I do it for you. Oh my God! Ano ba ‘yan ‘yung lashes ko natatanggal,” ang chika pa ng aktres habang pinupunusan ang mga mata dahil sa pag-iyak.
Nang hingan ng advice sakaling magka-lovelife na nga ang mga nagdadalagang mga anak, ito ang sey ni Ruffa, “Pumili kayo ng lalaking mamahalin kayo ‘yung mabuti, God-fearing, para when you get married, your marriage will be forever.”