26 pang Filipino sa ibang bansa nagpositibo sa COVID-19

INQUIRER FILE PHOTO

Nasa 26 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 20, umakyat na sa 11,178 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 81 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,129 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

33 naman ang bagong gumaling kung kaya 7,234 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Tatlo naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, nasa 815 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,369 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,215 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 815 naman ang kaso sa Americas at 1,779 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...