SA kanyang sariling bahay ini-record ng “The Clash” season 2 grand champion na si Jeremiah Tiangco ang kanyang debut single sa ilalim ng GMA Music na “Titulo.”
“Bukod sa nadi-discover ko pa po mag-produce, mas lumawak po ‘yung knowledge ko about music, about recording. Sobrang siniksik ‘yung music,” pahayag ng binata.
Nagpapasalamat si Jeremiah sa GMA Music’s A&R Manager na si Kedy Sanchez sa paggabay sa kanya sa pag-record ng kanta.
“‘Yung boses ko raw po is nandiyan na, ako na lang po bahala kung ano ‘yung gagawin ko sa kanta.
“Nakakatuwa po, though it’s pop, nabigyan ko po s’ya ng touch of soul,” kuwento pa ng “All-Out Sundays” mainstay.
Ngayon na mayroon na siyang debut single, nais naman daw ni Jeremiah na tuparin ang kanyang pangarap na sumulat ng sariling kanta.
Mapapakinggan ang “Titulo” sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at iba pang digital stores worldwide.
* * *
Bilib na bilib ang Canadian music producer at sound engineer na si Ovela ng YouTube channel na Music Game News sa ipinakitang husay ni Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose sa isa sa “Four The Win” production numbers ng “All-Out Sundays.
Nakasama ni Julie sa nasabing digital performance sina Golden Cañedo, Thea Astley at Aicelle Santos.
“I’m seriously impressed with the harmonies because they’re doing it digitally. These people are not onstage with her [Julie] so it adds a layer of difficulty and yet they’re harmonizing really well.
“And the songs are not easy because they’re also belting together,” sabi ni Ovela sa kanyang reaction video.
“Julie Anne San Jose handled that almost seven minutes flawlessly like a pro!” dagdag pa niyang papuri kay Julie Anne.