Andi inaatake ng lungkot, super miss na si Philmar: We’ve been really down…

INAATAKE ngayon ng matinding kalungkutan at panghihinayang ang hindi na aktibong aktres na si Andi Eigenmann.

Sa pagpasok ng third trimester ng kanyang pagbubuntis sa ikatlo niyang anak, hindi maiwasan ni Andi ang makaramdam ng pangungulila dahil magkalayo pa rin sila ngayon ng partner na si Philmar Alipayo.

Sa kanyang latest vlog sa YouTube, nagbigay ng update si Andi tungkol sa nangyayari sa buhay niya ngayon at sa dalawa pa niyang anak na sina Ellie at Lilo.

Dito nga ibinahagi ng actress turned vlogger na nag-aalala siya dahil baka hindi pa sila makabalik sa bahay nila sa Siargao para makapiling na muli si Philmar.

Kung matatandaan, umuwi ng Manila si Andi kasama ang anak nila ni Philmar na si Lilo para bisitahin si Ellie at ang kanyang pamilya ngunit inabutan nga sila rito ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic.

At ayon kay Andi, mukhang hindi pa rin sila makakauwi sa probinsya sa mga susunod na buwan tulad ng napag-usapan nila ni Philmar at ito ngayon ang dahilan ng nararamdaman niyang lungkot at pag-aalala.

“We’ve been really down because we found out that we probably won’t make it back to Siargao anytime soon.

“We’re in the middle of a pandemic, obviously. And times have been tough on a lot of us, if not, everyone,” pahayag ni Andi.

Dugtong pa ng anak ni Jaclyn Jose, “We’ve been hoping to get to the island since a couple of months ago and you know, we’ve been looking forward to finally being with Philmar again and enjoying our Happy Island Life.

“Being the Happy Islanders that we are and of course, celebrating the fact that we’re about to welcome a new member soon.”

Ngunit aniya, sa kabila ng mga hindi inaasahang pangyayari pilit pa rin niyang hinahanap ang “silver lining” para pagaanin ang nararamdaman.

At least daw, maayos pa rin ang health condition niya pati na ng kanyang pamilya lalung-lalo na ang baby sa kanyang sinapupunan. Thankful din siya na healthy din si Philmar at maayos pa ring namumuhay nang simple sa Siargao.

“As much as we wish that the three of us and Philmar are all together, are all complete, I’m also really glad that he’s safe and healthy over there on the island and he’s home where he belongs — especially now that the waves have been pumping.

“It’s been really good in Siargao. And Philmar has just been spending his time riding the waves,” sabi pa ni Andi sa kanyang vlog.

Read more...