Pinirmahan na ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang isang ordinansa ukol sa mas maikling curfew hours sa lungsod.
Ito ay base aniyang napagkasunduan ng 17 Metro Manila mayors kasama ang Inter-Agency Task Force at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa isinagawang pulong, Linggo ng gabi (October 18).
Ayon sa alkalde, base sa City Ordinance No. 79, Series of 2020, ipatutupad na ang curfew simula 12:00 ng hatinggabi hanggang 4:00 ng madaling-araw.
Ani Zamora, epektibo ang nasabing curfew simula sa araw ng Lunes, October 19.
Matatandaang noong nakaraang Lunes ay nauna nang nagpatupad sa San Juan ng 12:00 ng hatinggabi hanggang 5:00 ng madaling-araw na curfew.
READ NEXT
Enchong bad trip kay Celine Pialago: Ilagay mo ang sarili sa kalagayan ng isang ina at mangyari ito sa ‘yo?
MOST READ
LATEST STORIES