Basher basag kay Frankie: You don’t ever disrespect my mother like that

NIRESBAKAN ni Frankie Pangilinan ang isang netizen na nagsabing siya raw ang dahilan kung bakit inaatake ng panic disorder ang inang si Sharon Cuneta.

Kasabay nito, inamin din ng dalaga na 14 years old pa lang siya ay nararanasan na niya ang magkaroon ng anxiety attacks.

Hindi nagustuhan ni Frankie ang pinagsasabi ng netizen laban sa kanya, lalo na nang idamay pa nito ang Megastar at nagmagaling tungkol sa isyu ng mental health.

Sa Twitter, sinabihan ng basher si Frankie na punumpuno raw siya ng “angst” sa katawan kaya naaapektuhan ang mental health ng kanyang inang Megasta.

Hirit pa nito, “@kakiep83 and Sen @kikopangilinan, please have pity on Mega @sharon_cuneta12.”

Ni-repost ng dalaga sa Twitter ang comment ng netizen at nagsabing, “First of all, where have you been, miss? Ma’am Angst is the genetic code of this generation. Secondly, wtf is wrong with you?

“You don’t publicize your convoluted assumptions about my mother’s mental health without calling you out.

“I don’t care what you think about me. But you don’t ever disrespect my mother like that — not by misrepresenting a very real mental health condition she doesn’t suffer from,” matapang na bwelta ni Frankie.

Pero hindi pa rin tumigil ang nasabing Twitter user at sinagot pa uli si Frankie, “That’s not disrespect, Kakie. It’s an observation. People do get anxiety attacks when there’s too much pressure.”

Narito naman ang sagot sa kanya ng anak nina Mega at Sen. Kiko Pangilinan, “Guys, take notes, please.

“Do not ever diagnose a public figure you know nothing about.

“Do not ever blame people for your own assumed views on mental health.

“Don’t try to push a false narrative onto someone who has suffered from actual clinical anxiety since she was 14.”

Wala na kaming nakitang sagot ng nasabing netizen sa ipinost ni Frankie. Marami naman ang nagsabi na tama lang ang ginawang pagpatol ng dalaga sa basher dahil wala nga naman itong karapatan na husgahan si Mega tungkol sa mental health nito.

Read more...