NATENSYON at nag-panic ang Kapuso actress na si Katrina Halili sa paandar nina Wendell Ramos at Aiko Melendez.
At dahil dito, walang nagawa si Katrina kundi ang maiyak na lang sa harap ng dalawa niyang co-stars sa afternoon drama series ng GMA na “Prima Donnas.”
Nagsimula ang lahat nang hamunin ni Katrina sina Aiko at Wendell sa “lie detector challenge” para sa kanyang vlog. Ngunit ang hindi niya alam, siya pala ang ipa-prank ng dalawa.
Sa pinakahuling vlog nga ni Katrina na may titulong “Bakit nila ako napaiyak?” makikita ang paghahanda ng aktres para sa challenge with her “Prima Donnas” co-stars.
First question ni Kat, “Ano ang first impression n’yo sa akin?” Agad-agad ay sinabihan siya ni Aiko na para gumana ang lie detector, dapat ang tanong ay masasagot lang “yes or no.”
Sey ni Katrina, “Yes or no ba? Teka lang, hindi ako ready, sis!”
Hirit naman ni Wendell, “Ganito na lang, kami na lang ang magtatanong sa ‘yo. Show mo naman ito, kami na lang magtatanong sa ‘yo.”
Dito na natensyon si Katrina sabay sabing, “Bakit ako?!” Kinuha ni Wendell ang kamay ni Katrina at inilagay sa lie detector.
Sigaw uli ni Kat, “Bakit ganun? Help, friend!”
Hanggang sa mapansin na nga ni Aiko na takot na takot na si Katrina, “Umiiyak na siya! OMG! It’s a prank!”
Sey naman ni Wendell, “Naiintindihan kita kung bakit ka naiiyak. Kasi, nape-pressure na kami sa mga tanong namin. E, kami ni Aiko, handang-handa na kami dito pero wala kang naitanong.”
Paliwanag naman ni Katrina, “Kaya ako naiyak, ninenerbiyos na ako!”
* * *
Samantala, nag-post naman ng mensahe si Aiko sa social media ngayong tapos na ang 21-day lock-in taping nila sa “Prima Donnas”.
Nagpasalamat siya sa mga nakatrabaho niya sa serye at sa mga bossing ng GMA.
“Last night, and I can’t wait to be home tom! Thank You, Lord. We all survived smooth and safely our lock-in taping.
“Salamat to my Gma Kapuso family for looking after our safety and to Our PM (Program Manager) Ms. @redgynn (Redgynn Alba) for being on the set and made sure we were all taken cared of. Yes our Production Manager was with us for 21 days.
“How great life is to be working during this pandemic. Salamat also to our hardworking crew and staff!
“And to our directors @ginalajar (Gina Alajar) @ayatopacio (Aya Topacio). To my co-actors, thank you, it’s truly a team work. This is it! #PrimaDonnas ang pagbabalik malapit na po!”