Dan Villegas mas pabor sa lock-in taping; Beauty lumabas ang pagiging komedyante

WALANG project na gagawin sina Direk Dan Villegas at Antoinette Jadaone sa Kapamilya network kaya sa TV5 muna sila ngayon magtatrabaho.

Ito’y para sa dramedy (drama-comedy) na “I Got You” na pagbibidahan nina Beauty Gonzalez, Jane Oneiza at RK Bagatsing at kasama rin ang dalawang bagets na sina Kych Minemoto at Chantal Videla, mula sa panulat ni Rod Marmol handog ng Brightlight Productions, CS Studios at Project 8 cor San Joaquin.

Base sa trailer na napanood namin ay ex-girlfriend ni Beauty si RK na ang present naman ay si Jane. Aksidenteng nagkita ang mag-ex at dito nalaman ng una na mahal pa rin siya ng dating nobyo.

Inakala naman ni Jane na kinakaliwa siya ng boyfriend pero hindi niya alam na ang hinihingan niya ng tulong bilang therapist ay si Beauty.

Drama ang tono ng “I Got You” na ayon kay direk Dan ay konsepto ni Rod at nag-pitch sila sa producer na si ex-congressman Albee Benitez na kaagad namang nagustuhan. Nag-pilot na ito kaninang alas-2 ng hapon sa TV5.

“Nagustuhan ko kasi dramedy, parang light tapos at the same time bumibigat (istorya) tapos habang nagsu-shoot kami nag-e-enjoy lang kami ng buong cast. Perfect itong panoorin for Sunday afternoon, chill viewing, puwede
ka lang munang maupo, tapon mo muna ang brain mo, just enjoy the series,” ani direk Dan.

Lock-in din ang taping ng “I Got You” na mas pabor si direk Dan dahil mas madali silang nakatatapos at hindi lupaypay ang mga artista niya. Kaya kapag ibinalik na ang old normal taping ay gusto niyang i-suggest ang ganitong patakaran.

“Ang maganda kasi rito nasa isang hotel kami, tapos ang work namin, we follow the guidelines kung ilang hours, may entrance and exit test.

“Okay na in a way na nakakapagpahinga ka, kasi before ang cut-off (taping/shooting) inuumaga, di ba? Mas okay kasi 14 hours lang ang work puwedeng extend ng konti, mas maayos kasi mas nakakapagpahinga ka.

“Maganda rin sa actors ang lock in kasi hindi sila bumibitaw sa karakter nila, so mas mabilis din ang workflow hindi mo na kailangang ipaalala pa kung saan nanggaling (karakter), so ako nagustuhan ko ‘yung ganitong
workflow very advantages.

“Sa disadvantages, kasi nga you’re working with 14 hours lang, so kung baga mas may time na nagmamadali, pero may solusyon naman ‘yun, eh.

“Thankful ako sa actors na sinakyan nila ‘yung process tapos dumarating sila sa set memorize na nila ‘yung lines nila, I was lucky to have set of actors na game sundin ang workflow to make things faster,” paliwanag mabuti
ng direktor.

Dagdag pa niya, “Hindi kasi ako fan ng pa-morningan (taping) tapos araw-araw, naaabutan natin ‘yung everyday shoots na inaabot pa ako ng 4 p.m. the next day, patay na ‘yung brain mo no’n, eh.

“Ideally pag nag-back to normal 16 hours, pambawi na kasi yung 8 hours na pahinga ng katawan mo para the next day, fresh ka ulit. Saka internationally kasi sa Hollywood and other countries, maximum ka ng 14 hours at pag lumampas ka ‘yung production may multa na,” aniya pa.

Samantala, natanong naman si Beauty sa ginanap na vloggers mediacon through zoom kung may bakas ng karakter niyang Romina sa “Kadenang Ginto” ang karakter niyang Del sa “I Got You.”

“It’s so hard to answer for myself pero sa totoo lang, it’s totally different sa Romina yung atake ko rito. This is totally close to Beauty in real life and I’m happy kasi lumabas ‘yung pagkakomedyante ko na hindi ko
ini-expect na meron akong ganu’n.

“So mae-enjoy n’yo, ang daming makaka-relate sa istorya ko rito. Dito kasi it’s talk about love, talks about real life and somehow na-experience ko in real life ang character ko so excited ako,” paliwanag ng aktres.

Read more...