Ano na nangyayari sa mundo? Parang nanalo ang kasamaan?

 

MALALIM ang hugot ni Daniel Padilla tungkol sa mga nangyayari ngayon sa ating bansa.

Naniniwala ang Kapamilya singer-actor na ang pagkakaisa at disiplina ng bawat isa ang kailangan ngayon para magtagumpay ang sambayanan sa mga hamon ng buhay.

“The problem now is masyado tayong divided with our opinions na hindi na natin nakikita kung ano ba dapat ang pinagbibigyan natin ng pansin, di ba?

“Now kailangan natin magkaisa sa ating mga beliefs at sa mga ipinaglalaban natin. Dapat pare-pareho tayo. It goes out hindi lang para sa Pilipinas kundi sa buong mundo,” pahayag ni Daniel sa panayam ng press sa virtual mediacon ng digital movie na “The House Arrest of Us.”

“Masyado nang magulo ang mundo and the problem is tayo, ang tao. Masyado na tayong makukulit with nature. Alam naman natin si Bono na singer ng U2 is maraming advocacy talaga yung tao na yun. I look up to him. Ganu’n dapat, eh.

“Gamitin natin kung anong meron tayo ngayon to inspire people. Hindi yung kung anu-ano lang for the sake of money, for the sake of fame. We have to use this sa tamang bagay.

“Dahil nakikinig ang mga tao ngayon, bigyan natin sila ng ano ba dapat ang gawin ngayon. So tinatrabaho natin yun ngayon. I’m not perfect pero I’m trying very hard para mailabas sa mga tao yun,” paliwanag ng boyfriend ni Kathryn Bernardo.

Dito, inamin din ng binata na inatake rin siya ng axiety noong kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19 pandemic pati ng ginawang pagpapasara ng Kongreso sa ABS-CBN.

“Alam ko yung feeling, eh. Nagkaroon kasi ako nu’ng time ng pandemic na medyo stressed ako memtally. Parang hindi ako sanay ng ganu’n. Siyempre naapektuhan ka nu’ng lahat ng nangyayari, pandemic tapos yung nangyayari sa ABS-CBN.

“Parang, ‘oh my God what’s happening?’ Ano na nangyayari sa mundo? Parang nanalo ang kasamaan. Bakit ganito, di ba? So, ang ginawa na lang natin is yes, nandiyan ang kasamaan pero kumbaga sabuyan ng positivity para sa mga tao.

“Ano bang puwede natin gawin para makatulong at mang-inspire ng tao sa dapat nating binibigyan pansin? Kahit ako nag-aral ako kung ano ba dapat binibigyan ko ng pansin ngayon. Ano ba yung mga bagay na makakabigay ng pagbabago? Ano ba yung dapat kong inaalagaan? Maraming bagay, eh.

“Pero ang pinakaimportante, dapat may impact ito sa kapwa ko in a positive way. Hindi yung kung anu-ano na lang opinion mo. Alam mo, nanggugulo ka lang di ba? Bakit di mo tulungan kapwa mo? Yung ganu’n. Nakakapagod lang,” mahabang paliwanag pa ni DJ.

Ayon pa sa binata, pamilya talaga ang nagiging sandalan nila ni Kathryn kapag may mga pagsubok na dumarating, “Kaming dalawa, kumukuha lang kami ng lakas sa pamilya namin. Yun lang naman talaga, eh.

“Wala naman tayong iba, yung mga kaibigan mo hindi mo naman makikita. Maaaring nag-uusap tayo ng ganito, well it’s nice to see you pero pagdating sa bahay kapag wala ka ng kausap sino bang kakausap sa ‘yo? Pamilya mo at saka yung pinakamalalapit sayo. Kilalanin mo. Kapag matagal na kayong hindi nag-uusap, balikan niyo. That’s for me.

“Kasi para sa amin ni Kathryn, du’n na lang namin tinitingnan na nabigyan kami ng pagkakataon na makasama yung mga pamilya namin, maka-bonding sila, magawa namin yung mga hindi namin nagagawa na nagagawa dati. Yun yung mga bagay na nagpasaya na lang sa amin,” aniya pa.

Read more...