HAS Paolo Ballesteros become a primadonna of late?
We’re asking this dahil parang lumalaki na ang ulo niya sa little success niya.
A source told us na palaging may hiling na pagkain si Paolo during taping sa game show nila ni Wally Bayola sa TV5.
Hindi raw kumakain ng food for the host, staff and crew itong si Paolo.
Ang gusto niya ay naiiba ang kanyang pagkain.
Kaya nga ang crew ay hangang-hanga kay Wally na walang arte sa pagkain.
Kung ano ang kinakain ng lahat ay lafang din siya. Minsan lang daw ito mag-request ng favorite niyang food.
There was also a walkout incident which involved Paolo last Thursday.
Nag-report ito sa taping ng kanilang game show ni Wally. Nagkaroon ng konting hindi pagkakaunawaan dahil hindi siya pinapasok sa lobby ng guard na siyang fastest way para makarating sa studio. Tinanggal na nga raw ni Paolo ang kanyang face shield at face mask pero hindi ito umubra sa guwardiya.
Napikon si Paolo. At dahil ayaw niya sa mas mahabang way papuntang studio, bigla na lang daw itong nag-walkout. Go agad siya sa kanyang karu sabay labas ng TV5 compound.
Siyempre, naloka ang production. Kahit na anong tawag nila para bumalik ang TV host ay hindi sila sinasagot nito.
Actually, si Echo, ang contestant sa BakClash, ang dapat sana ay co-host ni Paolo noong araw na iyon dahil hindi puwede si Wally. Ayun, napurnada ang kanyang first hosting job sana sa TV5.
Pinauwi na lang daw ang mga contestants during that day matapos silang bigyan ng P1,000.
True ba ang lahat ng ito, Paolo? Ilalabas namin agad ang explanation mo about this.
* * *
Bongga ang SKY, ha! Namahagi lang naman ito ng internet access para sa 32 na paaralan sa buong bansa.
Mas maraming estudyante sa bansa ang makadadalo sa kanilang mga klase sa pamamagitan ng telebisyon at internet matapos makipagtulungan ang SKY sa Department of Education sa layunin nitong maghatid ng alternative distance learning sa kasagsagan ng pandemya.
Kamakailan, pumirma ang SKY ng memorandum of agreement (MOA) kasama ang mga key regional divisions ng DepEd sa Baguio, Laoag, Cebu, Iloilo, Davao, General Santos and Zamboanga, para ihatid ang DepEd TV sa regional cable TV.
Sa nasabing kasunduan, magbibigay ang SKY ng sarili nitong channel sa DepEd TV upang maipalabas ang mga programa nitong may layuning magturo ng mga aralin sa estudyante linggo-linggo para mapunan ang essential learning competency na inilunsad ng gobyerno.
Nakipag-ugnayan din ang kagawaran sa mga kilalang brodkaster sa bansa, kabilang ang mga taga-ABS-CBN na sina Karen Davila, Kim Atienza, Jaque Manabat, Abner Mercado at Korina Sanchez, para ihanda ang mga guro nito sa pagtuturo ng mga subject sa TV.