Heaven feeling pressured bilang kapalit ni Julia sa Bagong Umaga: Ginagalingan ko po talaga

By Ervin Santiago October 18,2020
share this

Heaven feeling pressured bilang kapalit ni Julia sa Bagong Umaga: Ginagalingan ko po talaga

By Ervin Santiago October 18,2020 - 09:29 AM

WALANG issue sa dating Pinoy Big Brother teen housemate na si Heaven Peralejo kung ipinalit lang siya kay Julia Barretto sa seryeng “Bagong Umaga” ng ABS-CBN.

Lumalabas kasi na second choice lang daw siya sa role na ginagampanan niya sa nasabing drama series dahil nga biglang lumayas si Julia sa Star Magic at lumipat sa Viva Artists Agency.

Sa nakaraang virtual presscon ng “Bagong Umaga”, natanong si Heaven tungkol dito at sinabi nga niyang ang mahalaga ay siya ang napili for the said role at gagawin niya ang lahat para hindi siya mapahiya sa mga bossing ng Kapamilya network.

Ani Heaven, “It’s a blessing in disguise kaya nagpapasalamat talaga ako lagi, so, yon lang po. Ang ginagawa ko lang talaga ay ginagalingan ko every
scene.

“Nandiyan naman po yung director namin para tulungan kami. Lalo na yung mga castmates ko, sobrang galing din po nila na kahit ikaw mismo madadala ka sa galing nila,” pahayag pa ng dalaga.

“Dito po sa Bagong Umaga, lahat po kami, kahit veterans po, sobrang bait po nila. Like sila Tita Rio (Locsin), alam n’yo si Tita Rio, smiling face.

Dito para kaming pamilya, eh.

“Siguro dahil lock-in po kami and everyday kaming magkakasama, we became a family. And every time na nasa set ako, it’s a happy set for me,” dagdag pa niya.

Sa tanong naman kung anong feeling na bida na siya ngayon sa isang bonggang teleserye, “Kung alam n’yo lang po kung gaano ako kasaya. Kung gaano kasaya yung puso ko para mabigay sa akin itong role na ‘to.”

“Sobrang thankful ako kina Mamu (Rizalina Ebrigea ng RGE Drama Unit), of course sa production, sa mga directors, sa ABS for giving me this
opportunity,” lahad pa ni Heaven.

Inamin din niya na grabe rin ang pressure na nararamdaman niya ngayon dahil nga siguradong napakataas ng expectation sa kanya ng madlang pipol.

“I’m very grateful, and at the same time, pressured. Binigyan nila ako ng chance para i-showcase yung kung ano ba kaya kong ibigay sa mga kapamilya
natin.

“Pero for me, masayang pressured din para, at least, gagalingan ko every time. Para matuwa naman yung ating mga viewers,” sey pa ni Heaven.

Ang iba pang makakasama ni Heaven sa “Bagong Umaga” na magsisimula na sa Oct. 26 ay sina Barbie Imperial, Tony Labrusca, Kiko Estrada, Michelle Vito at Yves Flores, sa direksyon nina Carlo Po Artillaga at Paco Sta. Maria.

Ka-join din sa serye sina Sunshine Cruz, Rio Locsin, Bernadette Allyson, Nikki Valdez, Glydel Mercado, Cris Villanueva, Keempee de Leon at Richard Quan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending