Jennylyn umamin: Away kami nang away noon sa taping ni Dennis, ngayon hindi na

By Ervin Santiago October 18,2020
share this

Jennylyn umamin: Away kami nang away noon sa taping ni Dennis, ngayon hindi na

By Ervin Santiago October 18,2020 - 09:27 AM

MALAKI ang ipinagbago ng working relationship ng Kapuso couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Napatunayan ng dalawa yan habang ginagawa ang kanilang latest project sa GMA 7, ang nakaiintrigang “I Can See You: Truly. Madly. Deadly.”

Excited ang fans ng celebrity couple dahil mapapanood na nila ang much-awaited reunion ng dalawa sa primetime kung saan makakasama nila ang talented Kapuso actress na si Rhian Ramos.

Matatandaan na huling nagtambal sina Dennis at Jennylyn sa GMA primetime series na “My Faithful Husband” taong 2015.

Biro nga ni Jennylyn, hindi na raw sila nagkakatampuhan ni Dennis sa set tulad ng nangyayari noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon,

“Ngayon kasi hindi na kami nag-aaway. Dati away kami nang away sa set. Mas smooth na.”

Dagdag pa ng Kapuso Ultimate Star, “Ever since naman, si Dennis, masarap siya talagang katrabaho kasi napakagaling na aktor.”

Para naman kay Dennis, nakatulong daw ang quarantine para mag-improve ang teamwork nila ng girlfriend. Tinginan pa lang daw ay alam na nila ang kanilang gagawin.

“Mas nae-enjoy namin ngayon na magkasama sa trabaho. Siguro dahil marami kaming time na ini-spend ngayong quarantine.

“Mas nag-a-adjust lang kami ngayon sa ilang mahihirap na eksena kasi magkasama kami every day.

Nadala namin ‘yun kahit na nandu’n kami sa trabaho,” sabi pa ng Kapuso Drama King.

Tampok din sa ikaapat na installment ng “I Can See You” sina Jhoanna Marie Tan with the special participation of Ruby Rodriguez. Ito’y sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.

Iikot ang kuwento nito kay Coleen, ang manager ng Paradise Resort na matatagpuan sa isang malayong lugar.

Napunta siya roon matapos masangkot sa isang video scandal na nag-viral sa social media. Dito, makikilala niya si Drew, ang gwapo pero mahiyaing IT guy sa pinagtatrabahuan niyang resort.

Magkakaroon ng matinding conflict sa pagitan nina Drew at Coleen kapag umeksena na ang high school best friend-turned-enemy ni Coleen na si Abby.

Anu-ano nga kaya ang mga lihim na itinatago ng tatlong karakter na isa-isang mabubunyag sa kanilang pagkikita-kita?

Mapapanood na ang “Truly. Madly. Deadly” ngayong Lunes (Oct. 19), 9:15 p.m, sa GMA Telebabad.

Ito ang papalit sa nagtapos nang “High-Rise Lovers” nina Tom Rodriguez, Lovi Poe at Winwyn Marquez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending